Tips para bumata

(Part 1)

LAHAT nang tao ay nagkakaedad. Pero may mga pa­raan para mapabagal ang ating pag-edad. Alamin natin ang mga paraan:

1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansiyang almusal. Ang katawan natin ay parang kotse at kaila­ngan natin ng enerhiya sa umaga.

2. Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser katulad ng prostate cancer at breast cancer. Sa bawat linggo, subukang kumain ng 10 kutsarang tomato sauce o 150 ml.

3. Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw. Masustansiya ang maberdeng gulay at mga prutas tulad ng mansanas, saging at pakwan.

4. Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.

5. Magbawas din sa sobrang daming kanin. Mas masustansIya ang brown rice at wheat bread.

6. Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay. Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.

7. Mag-alaga ng aso. May mga pagsusuri na nagsasabi na nagpapahaba ng buhay ang aso sa kanyang amo. Ito’y dahil nagbibigay ng pagmamahal ang aso sa kan­yang amo.

8. Tumawa ng 15 minutes bawat araw. Laughter is the best medicine. Nagpapasaya ito at nakatatanggal ng problema.

9. Magkaroon ng mabait na kaibigan. Makatutulong sila sa pagtanggal ng stress sa buhay.

10. Makipag-sex (sa iyong asawa o partner) ng mas madalas. Kontrobersiyal itong payo pero napatunayang may katotohanan. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at nakababawas din sa stress.

11. Umiwas sa bisyo at peligro. Iwasan ang paninigarilyo, alak, pagpupuyat at drugs.

12. Matulog ng 7-8 oras bawat araw. Ang tulog ang sadyang nagpapalakas sa ating katawan.

Ang mga dagdag paliwanag sa mga payong ito ay mababasa sa librong “How To Live Longer” na mabibili sa National Bookstore. May 50 artikulo sa libro na masasagot ang inyong mga tanong sa sakit sa puso, altapresyon, diabetes, pampapayat, sex, tamang pagkain, at iba pa. Good luck po.

Show comments