‘Ombudsmandable’

RAMDAM na ang kapaskuhan. Siguradong may mga nag­sisimula nang magbigay ng regalo.         

 Wala namang masama sa pagtanggap lalo na kung kusang-loob na ibinigay. Kultura na ito ng mga Pilipino. Pero sa mga taong-gobyerno, kuwidaw! Hindi isyu dito kung kaibigan ang nagbigay at pinagbigyan ng regalo. Ang isyu, kung may posisyon sa gobyerno.   

 Maiintindihan siguro kung ang katumbas na halaga ng regalo maliit lang. Hindi sosobra sa suweldong tinatanggap ng personahe kada buwan.       

Mahirap nang malagay sa sentro ng kontrobersiya tulad ni PNP chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa. Tumanggap ng regalo mula sa matagal niya na raw kaibigang si Sen. Manny Pacquiao.    

Wala namang masama sa pagiging mabait ng senador. Hindi kuwestiyunable ang kanyang yaman. Wala rin namang masama sa pagtanggap ng heneral sa kontro-bersyal na all expenses paid Vegas trip. Kung may kapalit ito o wala, hindi rin ito ang istorya.   

 Ang isyu, pareho silang taong-gobyerno. Parehong luma­bag sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Bagamat inamin naman nilang dalawang hindi nila alam na may batas tungkol dito hindi pa rin ito puwedeng ga-wing excuse.  

 Nasilip tuloy ng Ombudsman. Iniimbestigahan ang panlilibre ni Pacquiao kay Dela Rosa kasama ang buo niyang pamilya. Magsilbing aral sana ang insidenteng ito. Natuto na ang marami lalo na ang mga kawani ng gobyerno.  

* * *

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

Show comments