‘Modus sa taxi’

MAG-INGAT sa iba’t ibang uring modus ngayong “ber” months.

Sa mga umuuwi ng gabi lalo na sa mga babae, mag-ingat sa mga gumagalang utak-kriminal, bastos at barubal na mga taxi driver.

Namamasada sa kalakhang Maynila. Ginagawang palaruan ang lansangan para makapambiktima.

Sa dami ng bilang ng mga namamasada mahirap ma­tukoy kung sino ang gagawa ng krimen.

Lalo na ngayon, mas agresibo at aktibo ang mga ma­pagsamantala. Oportunidad lang ang kanilang hinihintay.

Matagal nang na-BITAG ng aming grupo ang kemikal na ginagamit ng mga nasa likod ng modus sa mga taxi.

“Langhap” kung tawagin ito ng BITAG. Modus ng mga drayber gamit ang isang uring delikadong kemikal na ginagamit lang ng mga dalubhasang doktor sa mga operasyon.

Gamit ang basang bimpo, itinatapat ito ng mga kriminal sa air ventilation ng sasakyan.

Kapag nalanghap ng pa­sahero agaran itong makakaramdam ng pagkahilo, pamamanhid ng katawan at pang­hihina.

Dito nagkakaroon ng oportunidad ang drayber na isa­gawa ang krimen at kapag minamalas pa ang biktima, momolestyahin.

Marami na ang mga nabiktima sa “Langhap.” Lahat mga babae. At ang krimen, karaniwang isinasagawa sa gabi.

Patuloy na all points bulletin ng BITAG, mag-ingat, mag-ingat.

Para sa iba pang anti-crime tips, abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapa­kinggan  tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming­, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

 

Show comments