NAKAKALUNGKOT isipin na wala nang hotraba si Gloria Ortinez, ang 56 yrs. old, domestic helper sa Hong Kong, biktima siya ng ‘tanim - bala,’ ng mga gagong sindikato sa binansagan NAIA ‘worst airport.’
Bakit?
Sagot - hindi na siyang tinanggap ng kanyang amo nang bumalik ito sa Hong Kong last Saturday.
Hindi nagbigay ng details ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, regarding sa nangyari sa Hong Kong kay Nanay Gloria at amo nito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hinuhulaan na noon pang mabiktima ng ‘tanim - bala’ scam sa airport at makalaboso si Nanay Gloria, na maaapektuhan ang kanyang trabaho sa HK kaya hayun hindi nagkabisote ang mga nagsabi nito.
Sa wakas kahapon ay tinanggap na rin si nanay Gloria ng kanyang amo. Ikaw nga, balik trabaho.
Kambiyo isyu, boladas at bully ang mga appointees ni P. Noy sa DOTC, MIAA at ang paningit sa OTS.
Bakit?
Sagot - last Senate hearing supalpal ang mga ex-military officials sa mga tanong ng mga Senador tungkol sa isyu ng ‘tanim - bala’ scam na nangyari sa binansagan NAIA ‘worst airport.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ‘di natin maintindihan ang extortion activities sa paliparan na nagdulot ng malaking kahihiyan at katatawanan dahil sa kapabayaan ng mga opisyal dito kaya naman dahil sa pangyayari nabukayo sina DOTC Secretary Jun Abaya, MIAA GM Bodet Honrado at Office of Transportation Security bossing Rolando Recomono ng magkaroon ng Questions and Answer portion noong pagdinig.
Sabi nga, in aid of election este mali legislation pala!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sumabog ang isyu at kumalat sa social media, foreign media, local media at sa mga medya-medyahan ang nasabing ‘tanim - bala’ scam sa paliparan. Ang masama mga reporters pa ang pinagbintangan ng Malacañang na may kasalanan dahil kung hindi nila pinalaki ang ‘apoy’ hindi sana kinatatakutan at nagmukhang katawa-tawa ang Philippines my Philippines.’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong unang lumabas ang isyu regarding sa isang ‘Kano’ missionary na tinaniman ng bala sa airport at nakulong pa sa Pasay City sana pinaimbestigahan agad ng mga bright sa airport ang sinasabi ng mga banyaga.
Ang siste, binalewala ito nina Honrado at Recomono dahil hindi raw ito totoo at walang sindikato sa paliparan.
Sa isyu ng White, ang kanong pumalag naglabasan sa mga lungga nila ang mga naging biktima ng ‘tanim - bala’ scam at ikinuento kung paano sila nayari ng mga extortionist sa binansagan NAIA ‘worst airport.’
‘Panay pa ang praise release ng PR ni Honrado na walang ‘tanim - bala’ scam sa airport pero bandang huli ay natameme na rin ito.’
‘Nataranta ang mga pakaang-kaang, pahetot-hetot at walang silbing mga bright sa airport ng maglabasan sa lungga at magreklamo sa media ang mga biktima ng ‘tanim - bala’ extortion scandal matapos silang magkuento ng real story tungkol sa kanilang panaginip este mali naranasan pala sa ‘worst airport.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kaunting salapi pinagtatakot ng mga animal na sindikato ang mga biniktima nila sa ‘tanim - bala’ na kakasuhan at ikukulong kapag hindi nakipag-ayos.
Abangan.
APEC at terrorism sa France, panakip sa NAIA ‘tanim - bala’
SANGKATERBANG tsismis ang naglabasan ngayon sa mga barberya porke matatakpan na raw at matatanim sa limot ang kontrobersyal na isyu ang ‘tanim - bala’ scam dyan sa binansagan NAIA ‘worst airport,’ matapos magdatingan ang matataas na opisyal ng 32 countries around the world para sa APEC conference at ang pagpatay sa madlang people ng mga miembro ng ISIS dyan sa Paris, France.
‘Medyo totoo ang sinasabi ng mga barbero sa kanilang tsimisan sa barberya pero maraming taga - media lalo na ang mga nagmamalasakit sa mga biktima ng ‘tanim - bala’ scam sa binansagan NAIA ‘worst airport.’
Hindi basta ihihinto ng media ang controversial issue hangga’t hindi umaamin na nagpabaya ang mga opisyal sa DOTC, MIAA at OTS sa mga nangyaring kapalpakan sa NAIA.
Ang dapat gawin para hindi na mapansin at mapag-usapan ang iyung ito ay magbigti este mali magbitiw sila tatlo sa tungkulin at ipasa sa ibang may kakayahan at may alam ang problemang ito. Tama ba, DOTC Secretary Jun Abaya, MIAA general manager Bodet Honrado at OTS bossing Roland Recomono, Your Honors?
Abangan.