(Karugtong nang lumabas noong Biyernes)
NAGULUHAN ako, nu’ng bata pang walang alam sa buhay, kung bakit kapag gumawa ako ng kasalbahihan, ang salita ng magulang ko tungkol sa akin ay, “Turuan mo nga ‘yang anak mo.” Akala ko noon hindi nila ako tunay na anak.
Hindi lang pala ako ang nalito nang gan’un. Nabatid ko ito sa artikulo sa Internet na nagkalap ng iba’t ibang kinagisnan sa magulang:
(9) Kay Itay ko natutunan kung ano ang Behavior Modification: “Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!”
(10) Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng Genetics: “Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!”
(11) Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa Circle of Life: “Salbahe kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito.”
(12) Si Inay din ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng Envy: “Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”
(13) Si Itay naman ang nagturo sa akin ng Anticipation: “Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”
(14) At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng Receiving: “Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”
(15) Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang Humor: “Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawn mower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”
(16) At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang Justice: “Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak magiging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!”
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).