ITO raw ang sigaw ni Sarah Duterte, anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte nang magpapanot ng ulo kahapon para daw udyukan ang tatay niya na tumakbo sa pagka-presidente ng bansa.
Teka, hindi ko maintindihan ito. Isa raw sa mahigpit na tumututol si Sarah kung kaya nagpasya si Mayor na huwag tumakbo sa kabila ng nag-uuminit na panawagan sa kanya nang marami na sumabak sa panguluhan.
Kaya ang tanong ng barbero kong si Mang Gustin (Hindi siya ang kumalbo kay Sarah) “nagbago ba ng isip si (dating Mayora ng Davao City) Sarah?”
Ewan kung ano’ng “kadramahan” ito ngunit kung dahil diya’y magbabago rin ang isip ni Mayor Digong at magpasyang kumandidato sa panguluhan, tingin ko ay madudurog ang kanyang kredibilidad.
Kasi’y paulit-ulit na ang hantarang pagtanggi ni Duterte na tumakbo bilang Pangulo sa kabila ng mga nagkalat na posters na nagtatambal sa kanya sa isang kumakandidatong bise presidente. Isa pa, laging naririnig sa radyo ang kanyang komersyal na naglalarawan sa kanya bilang mabangis na kalaban ng krimen.
Ngunit lumilitaw ngayon na tila naki-join na rin si Sarah sa bandwagon ng mga nag-uudyok kay Mayor Duterte na tumakbo sa pagkapangulo. Ang larawan niya habang kinakalbo ng barbero ay naging viral sa instagram. Sa caption ng kanyang larawan ay tila ipinahihiwatig ni Sarah sa kanyang ama na kailangan siyang tumakbo for president para sa pagbabago. Ito ay kahit pa kapos sila sa pondo at makinarya sa politika sa paglulunsad ng pambansang presidential campaign.
In the caption of the photo, Sara seems to ask her father to run for president even if their camp will face lack of campaign funds or the political machinery to wage a presidential campaign.
Sa kanyang pinakahuling pahayag para tutulan ang pagtako sa panguluhan, sinabi pa ni Duterte ang ganito “This is a beautiful day to end a wild dream.” At binasa pa ni Dutertye ang sulat mismo ng kanyang nagpakalbong anak na nagsasabing huwag siyang kumandidato sa pagka-pangulo.
Ang sabi sa sulat ni Sarah, “Do not run for president. You don’t owe anything to anybody, and you’ve done more than enough for your country’. Ano ba iyan, hele-hele bago kiyere? Siguro naman may sariling disposisyon ang hinahangaan kong Mayor.