BUBULATLATIN ni Nationalist Peoples Coalition Valenzuela Rep. Sherwin ‘Win’ Gatchalian, ang gulong nilikha ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa P3.8 billion pondo pambili ng mga kagamitan ng bombero at pagpapagawa ng mga fire station sa Philippines my Philippines ng Bureau of Fire and Protection kung bakit kasi hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa nasabing proyekto na pinaglaanan ng malaking halaga matapos windangin ito.
Bakit?
Sagot - iyan ang bubungkalin ni Win para malaman ng madlang people sa mga susunod na araw.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, andyan ang billion halaga ng pondo inilaan ng pamahalaan para pambili ng mga fire trucks, firefighting equipment at new fire stations pero mukhang ‘drawing’ lamang ito.
Tanong - asan ang P3.8 billion?
Sagot - iyan dapat ang sagutin nila oras na ibuyangyang ni Win ang mga katanungan sa DILG na dating pinamahalaan ni Mar Roxas, na LP standard bearer para sa 2016 presidential election.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos malaman ni Win sa COA report nagkaroon ng malaking delays ang BFP procurement deals sa isyung pakikialam diumano ng DILG para i - modernize ang mga firefighting at protection service kaya naman hihimayin ng kongresista ang usaping ito.
Sabi nga, lagot!
Ayon sa COA report, ang construction ng mahigit 500 new fire stations at pagbili nang mga new fire trucks at firefighting equipment ay dapat naumpisahan na noon pang January 2012, pero sa pakikialam ng DILG sa bidding process sa loob ng 2 1/2 years ay alaws nangyari todits.
Tanong - asan ang kuarta?
Sabi ni Win, si Roxas ang SILG noon.
“By dilly-dallying on the procurement process, the DILG is compromising the safety not only of the country’s firefighters but also of the general public, It is unfortunate that the DILG did not take into consideration the fact that there is a shortage of 1,538 fire trucks and that until now there are 425 municipalities which have no fire stations,” birada ni Win.
Ayon sa COA, ang panghihimasok ng DILG sa BFP’s procurement process ay labag sa Section 11 of Republic Act No. 9184 or the Government Procurement Reform Act, which provides that it is the procuring entity—in this case the BFP itself—that should have constituted its own Bids and Awards Committee to handle its own procurement.
“I will not buy the argument that it is just a simple case of government under spending. There has to be an acceptable explanation as to why the DILG sat on the procurement process when there is an urgent and compelling need for the BFP to upgrade its facilities and equipment,” tirada ni Win.
Ipinakita ni Win sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng COA report, na inilabas noong September 29, 2015, na ang national government ay nagbigay ng P3,861,102,675 pondo para sa modernization plan ng BFP tulad ng mga sumusunod... P2.59 billion para pambili ng 244 units nang firetrucks na may one thousand-gallon capacity at 225 units na may five hundred-gallon capacity; P1.01 billion para sa konstruksyon ng may 516 fire stations; P194.48 million para sa bagong ‘self-contained breathing apparatus’ o SCBA at iba pang mga protective gear; at P65.87 million para sa karagdagang behikulo at firefighting equipment.
‘Up to now wala pa ang mga ito!’
Ika nga, puro kuento alang kuenta.
Abangan.
AGMA - MCI fund raising concert sa Greenhills
ILANG tulog na lang at tugtugan na para sa fundraising concert ng AGMA-MCI Alumni Association, Inc., ng Naujan, Oriental Mindoro, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City, sa November 20, 2015, Friday, 8:00 PM, sa pangunguna ni Atty. Biyong Garing, pangulo ng AGMA - MCI.
Ang concert dubbed as SKETCHES OF JAMES, mga kantang pinasikat ni James Taylor, ay bibirahin nina Atty. Bong Baybay, Mon Espia, Jimmy Bondoc, Paolo Santos and Noel Cabangon kasama ang Electric Tuesday Band.
Ang kikitain ng konsierto ay gagamiting karagdagan sa ipapatayong covered court para magamit ng mga present and future students ng Agustin Gutierrez Memorial Academy (AGMA) na dating Mindoro Central Institute (MCI).
Umaasa si Kuyang Biyong sa pagtangkilik sa concert na ito mula sa mga alumni AGMA-MCI, sa mga kababayang taga-Mindoro, sa mga brethren sa Freemasonry, mga kaibigan at mga kamag-anak.
Congrats Kuyang Biyong for a noble purpose.
Good luck ang pagbati ng Chief Kuwago sa mabuti mong hangarin.
God Bless.