‘Sama-samang nagpakundisyon’

GALAW-GALAW para huwag ma-stroke!

Nausong mga salita para sa mga taong edad kuwarenta pataas.

Ngayon pagdating ng Zumba at Badminton pati mga bata pa lamang inilalagay na nila ang kanilang mga katawan sa kondisyon.

Sa isang komunidad sa Cavite, ang Carmona Estates na ang gumawa ay ang kilalang developer na Property Company of Friends Inc. (PRO-FRIENDS) ay isinusulong ang ilang mga palaro para sa kanilang mamamayan.

Ang Sports/Health Enthusiast na Homeowners ng PRO-FRIENDS na sina Josephine ‘Josie’ Abejaron at Susan Oliveros ay may kanya-kanyang kinahihiligang ‘sports’.

Zumba ang gusto ni Josie habang Badminton at Zumba naman ang kay Susan.

Mula nang bata pa si Josie ay mahilig na siya sa Sports. Pagdating ng 2004 dahil na din sa sumisikat ang Zumba sinubukan niya ito. Nang magustuhan niya ito ay tinuluy-tuloy niya.

“Dati nung hindi pa uso ang Zumba aktibo ako sa pag ehersisyo at sa ibang sports tulad ng track and field,” sabi ni Josie.

Si Susan naman mula katorse ay nakahiligan niya na ang pagsasayaw. Nang tumira siya sa Carmona Estates may pa-Zumba ito kada Linggo. Mayroon din tuwing Sabado sa Clubhouse.

“Ang badminton kalimitan ang asawa ko talaga ang magaling dun. Nasabit lang ako ng asawa ko nitong huling tatlong taon,” kwento ni Susan.

Kapwa nakatira sa Carmona Estates ang dalawa na ang developer ay ang PRO-FRIENDS.

Maging ang Sports Coach na si Arnel Jimenez ay nakatira din sa Carmona Estates. Sa ngayon nakatutok siya sa Badminton sapagkat maraming batang varsity siyang tinuturuan. Ang ilan ay nasa elementary, high school at kolehiyo na nakatira din sa lugar.

“Lahat yun nasa komunidad nating yun. Apat na manlalaro ang nandun sa iba’t-ibang eskwelahan,” ayon kay Coach Arnel.

May mga aktibidad din sa loob ng Carmona Estates. Nagkakaroon sila ng mga Sports Fest bawat taon. Minsan ay sumasali sila sa mga palaro sa buong Carmona.

“Minsan may volleyball din kami. May grupo kaming isinasama sa inter-division competition sa buong Carmona. Nananalo naman,” ayon kay Josie.

Si Coach Arnel naman ang nakatoka sa pagsasaayos ng mga oras ng laro. Bawat sport ay ginagawan nila ng sariling event at club.

“Para na din maayos ang schedule sa clubhouse dahil doon kalimitang naglalaro. Pwede silang maglaro doon ng libre. May pinagawa na ang PRO-FRIENDS na dalawang court doon,” salaysay ni Coach Arnel.

Ang kinatawan naman mula sa Village Administrator na si Linda Reyes ay nagsabing sila mismo ang nagbibigay ng mga kailangan ng mga ito at ilang amenities.

“Sa Clubhouse naman pumupunta ang mga nagsu-Zumba. Libre lang naman yun,” sabi ni Linda.

Nakakahikayat sila ng mga sumasali sa kanilang mga palaro tuwing may mga dumadayo sa kanilang lugar.

Nagtatanong ng mga ilang bagay hanggang sa mapunta sa usapin sa gusto nilang salihang aktibidad. Ibinibigay naman nila ang buong detalye tungkol sa mga ito.

“May event pa kaming ginaganap yung healthy lifestyle. Marami na din ang kasali dun,” pahayag ni Linda.

Sabi pa ni Josie kahit sinong barangay pwedeng sumali sa kanila tuwing linggo at bukas din sila maging sa labas pa ng Carmona Estates. Gaganapin ito sa Carmona Estates.

“Maging mga bata kasali dito basta gusto nila at hangga’t kaya. Tuwing linggo kapag nakakarinig sila ng tugtog sa umaga alam na nilang may Zumba. Pupunta na lang sila dun,” kwento ni Josie.

Maganda ang naiidulot ng Zumba sa katawan ng tao. Maliban sa nakakatulong ito para maging malusog ka nalalayo ka din sa ilang mga sakit.

Sa parte ni Susan natatanggal ang kanyang stress lalo na’t may inaalagaan siyang anim na taong gulang na bata.

“Minsan kapag sinusundo ko sa eskwelahan ang anak ko sumasama na ding magbadminton,” ayon kay Susan.

Sa gaya naman ni Coach Arnel career para sa kanya ang pagbabadminton kaya’t kinakailangan niyang tapatan ang mga magagaling na manlalaro.

Tumutuklas siya ng iba’t-ibang technique upang hindi mapag-iwanan at para na din maituro sa kanyang mga estudyante.

“May mga panlaban na kami sa Carmona Estates. Yun ang naging kagandahan doon. May mga panlaban na ang grupo namin. Dalawang beses na ring nagkaroon ng tournament,” sabi pa ni Coach Arnel.

May mga mini-tournament sila sa Club at tuwing Sabado ay dumadayo sila sa ibang barangay para lumaban.

Maganda din daw kasing iba ang nakakalaban mo sapagkat nagkakaroon ka ng karanasan sa paglalaro.

Ang pagbabadminton at Zumba sa isang komunidad ay nagiging paraan upang magkaroon sila ng bonding, pagkakaisa at kasiyahan.

“Maganda din sa katawan lalo na kapag tuluy-tuloy para hindi ka kaagad tamaan ng sakit. Pampawala din ng stress,” salaysay ni Coach Arnel.

Volleyball, Badminton, Zumba at Basketball ang mga aktibidad sa Carmona Estates. Ito ay para isulong ang mas magandang komunidad at mag malusog na katawan.

Sa dami ng mga nagkakasakit sa panahon ngayon makakatulong ang isang komunidad na iniisip ang kapakanan at kalusugan ng bawat isa sa kanilang lugar. Bata man o matanda ay natuturuan nila kung paano mamuhay ng maayos at malusog.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7104038

Show comments