TAGUMPAY ang Metro sale este wide pala Shake Drill sa Metro-Manila para paghandaan ang paggalaw (huwag naman sana) ng West Valley Fault na puedeng maging 7.2 lindol na malamang maging delubyo ito sa madlang people kung saka-sakali.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda ang kinalabasan ng shake your brain este mali shake drill pala last Wednesday kahit may mga kakulangan pa ito pero ang ginawang catering este paghahanda pala ay nagdulot ng malaking kaalaman sa madlang people sa Metro-Manila.
‘Wala kasing pinili sumali ang lahat mapa-bata o matanda, estudiante o out of school, nagma-madyong o amuyong, bakla o tomboy, pipi, bingi o bulag, macho o machang, may baktol o wala, mga sundalo sa AFP headquarters, PAF, PNP, NBI, mga government employees at lahat ng madlang people nagsama-sama para magsagawa ng shake drill the other day.’ sabi ng kuwagong patanga-tanga.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sakaling yuyugyugin tayo dito sa Metro - Manila puedeng matigok ang 35,000 to 40,000 madlang people at 114,000 ang puede naman masugatan oras na dumating ang kinatatakutan ‘The Big Boy este mali One pala.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iksakto 10:39 am nang magtunugan ang mga kampana ng simbahan, wang-wang ng bombero, fire alarm, barangay, ambulansiya at lahat ng mga estudiante sa mga eskuelahan madlang people sa malls ay pinalabas ng gusali para makisama sa ipinatupad na shake drill at nagtapos ito na halos 30 minutes.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga sumali sa shake your brain este mali drill pala ay ang 16 at isang bayan sa Metro Manila tulad ng Makati, Parañague, Las Pinas, Manila, Pateros, Muntinlupa, Quezon City, Taguig, Malabon, kalokohan este mali Caloocan pala, Navotas, Pasig, Marikina at Mandaluyong.
‘Sa iba’t-ibang lugar ginawa ang pagsasanay kaya naman ang madlang people na tumilaok este mali nakilahok pala dito ay naging masaya.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Abangan.
Mga bugok na Immigration kumana na naman
IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na sangkaterba daw ang kumitang bugok na Immigration personnel na kasama sa raiding team nang hingan este mali salakayin nila ang mga illegal alien sa isang place sa Pasay City.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, daan-daan Chinese nationals ang kinalawit ng Immigration agents pero ang problema nawawala ang 22 tsekwa dito.
‘Kung magkanong dahilan iyan ang malaking question mark?’ sabi ng kuwagong nabukulan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang may 169 tsekwang dinakma ay nagta-trabaho sa online gambling at call centers kaya lamang may mga missing in action.
Sabi nga, not accounted for!
Bakit?
Sagot - pinitsa?
Naku ha.
Ano ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 14 ang naglabas nang et,et este mali tamang visa at working permit kaya naman pinagpatuloy diumano nito ang kanilang hotraba sa mga pinakawalan isa ang unaccounted.
Bakit?
‘Yan ang dapat ipaliwanag ng Immigration.’ sabi ng kuwagong binawian ng pitsa.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga tsekwang nagpakita ng Cagayan Economic Zone Authority special visas ang pinakawalan pero mali pala ang ginawa ng mga pa bright,bright na ahente todits dahil hindi pala ligitimate ang paggamit ng CEZA visa dahil dehins ito automatic na wala silang nilabag sa immigration laws.
Kambiyo isyu, ano na ang nangyari sa imbestigasyon ng Kongreso regarding kay Wang Bo dahil sinasabing nagpamudmod daw ito ng P.5 billion para sa mga kongresista na ang iba ay nasa partido Liberal.
‘May nangyari ba sa imbestigasyon?’
Sabi nga, wala pa!
Abangan.