KAAWA-AWA naman ang ilang pulis sa Manila Police District na naapektuhan nang lumabas ang larawan ni Bong Son ng Hataw sa social media. Nakunan ang apat na preso na nakakadena at nakakandado ang mga kamay habang papalabas ng lobby ng MPD heaquarters noong Marso 18. Maraming nag-react sa naturang larawan una na ang National Capital Region Police Office. Trending ang naturang lawaran dahil hindi basta-basta pangkaraniwang larawan itong natiyempuhan ni Bong Son kaya umani ng paghanga sa mga photo journalist, kabilang na ako mga suki. Ito ang dapat binibigyan ng parangal ng Press Photographers of the Philippines, National Press Club at MPDPC dahil ginampanan niya ang kanyang trabaho. Ngunit sa kasamaang palad isang katerbang kumento mula sa hanay ng kapulisan, human rights advocate, media personalities at Friends sa Face Book ang inani ni Bong Son. Hehehe! Kinagat ng masa itong di pangkaraniwang larawan ni Bong Son kung kaya maging ang mga malalaking Television Networks at Print Industries ay nag-unahan sa pag-interview kay Bong Son upang patunayan na tunay at walang daya ang picture.
Naging mabilis naman ang naging kasagutan dito ni MPD Director C/Superintendent Rolando Nana, dahil sa totoo lang maituturing na high risk ang 4 na preso na ibibiyahe ng MPD- Integrated Jailer patungong Manila City Jail matapos na maglabas ng Commitment Order ang korte. Natural lamang na gagawa ng kaparaanan ang jailer upang siguradong hindi ito matatakasan, ang mali nga lamang ay sa halip na “Posas” na inisyu ng PNP ang gamitin, kadena at kandado ang ginamit. Kayat tuloy na-asunto ang mga pobreng jailer ngunit hindi si Bong Son ang nag-akusa sa kanila kundi ang mga malilinis na opisyales ng MPD. Ang tanging magiging papel lamang ni Bong Son ay tumestigo sa korte kung tunay na larawan ang kanyang ginamit sa Social Media. Get nyo mga suki! Sa puntong ito nasapawan ang ego ng ilang kapulisan dahil sumemplang ang kanilang palabas kaya ang binalingan ng sama ng loob ay ito nga si Bong Son na miyembo ng Manila Police District Press Office at Official Photographer ng Hataw.
Sa ngayon Trending sa Face Book ang kumento kay Bong Son at naapektuhan ay ang buong organisasyon ng MPDPC. Kabilang diyan ang salitang “ Tumatanggap naman bakit Bumabanat pa”, “Nakalilibre na sa tubig, koryente at tulugan” ang higit diyan salitang ang “Mag-ingat siya at baka i-entrap namin siya dahil nag-iikot siya sa mga estasyon ng pulis” Mukhang inilalabas na ng mga Mukong ang sama ng loob at nakakaladkad na rito ang buong myembro ng MPDPC. Ang ipinagtataka ko bakit ngayon lang nila naibulalas ang mga reklamong ito sa aking kapatid sa hanapbuhay, kung tunay na binabakalan kayo at ginagatasan ng kung suno mang myembro ng MPDPC gawin ninyo ang nararapat na akyon ng matigil na itong samaan ng loob. Ano ba ang gusto ninyo mga Sir? Ang tumanggap ng Award/Reward na lingid sa lahat ng mga myembro ng MPDPC? Kailangan bang kabutihan lamang ninyo ang aming iko-cover kapalit ng sinasabi ninyong datung na biyaya at ang mga simplang ninyong gawain ay magbulag-bulagan na lamang kami? Kung tunay itong inyong ibinubulalas ngayon palang putulin na ninyo ang inyong pagbibigay ng pabuya dahil baka kung sa mga Illegal Acitivities rin ito nanggagaling. Abangan!