Pag-ibig sa bayan

Pag-ibig sa bayan ang tanging dahilan

Kaya mga kawal nakikipaglaban;

Hindi iniintindi maging kamatayan

Nasasawi sila nang may karangalan

 

Pag-ibig sa bayan na walang kapantay

Kung kaya maraming nalagas ang buhay;

44 silang nagbigay ng dangal

Sa ating watawat kulay puti, pula, bughaw!

 

Pag-ibig ang tanging misyon ng binata

Sa kanyang hangaring maangkin ang mutya

Maraming balakid hindi niya ininda

Hanggang sa makamit ang mahal na sinta

 

Pag-ibig na tapat sa kanyang kasuyo

Kung kaya ang mutya ay ayaw malayo

Siya ay sumama hanggang sa malayo

At doo’y nagsama ang dalawang puso!

 

Sina Andres Bonifacio at ang KKK

Ang unang naghain ng buhay sa bayan;

Libong Pilipino nag-alay ng buhay

Upang itong bansa ay lumayang tunay!

Show comments