SABI ni Marcos noon, “This country can be great again.” Ngunit bago pa dumating si Marcos, great na ang ating bansa.
Halimbawa, ang Pilipinas ang kauna-unahang Republika sa Asia, mas nauna pa sa Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Burma, at iba pa.
Ang ating pambansang bayaning si Jose Rizal ay tinaguriang “Greatest Malayan”. Kaya sa halip na sasabihin natin na this country can be great again, mas tama kung ang sasabihin nating “This country can be much greater.”
Ayon sa Bibliya, “Righteousness can make a nation great.” Or greater as the case may be. Ang problema ng ating bansa ngayon ay masyadong laganap ang contractualization na labag sa Security of Tenure clause ng Saligang Batas at ng Article 280 ng Labor Code.
Dahil sa contractualization, humigit-kumulang 10 milyon ng ating manggagawa ay hindi nabibigyan ng karampatang mga benepisyo kaya hindi umuunlad ang kanilang buhay at pamilya.
Mga benepisyo na dapat ay ibinibigay sa kanila ay sa halip ay inaangkin ng mga negosyante. Kaya ang iba ay dollar billionaires na naging kahanay na nina Bill Gates at Warren Buffet sa Forbe’s list of the World’s Richest.
Third world country tayo ngunit may mga world’s ri-chest tayo tulad nina Henry Sy, Gokongwei, Ayala at iba pa na mga hari ng contractualization. Katas ng dugo, pawis at luha ng contractuals ang nagpayaman sa kanila nang sobra-sobra. Kaya panahon na para labanan ng sambayanang Pilipino ang salot na contractualization because it is unrighteous. Let’s make this nation great.
Join the ROSE Movement! Tayo’y magkaisa, huwag magpaisa.
Sali na sa ating kapatiran, makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: han_sen703@yahoo.com at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.