NOONG Pebrero 2, ipinagdiwang natin ang Kapistahan ng pagdadala kay Hesus sa Templo ng Jerusalem. Sinabi ni Simeon: “Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil at magbibigay karangalan sa iyong bayang Israel.”
“Batbat ako ng tiisin,” sabi ni Job. Ipinahayag niya na ang mga nangyari sa kanyang buhay ay sagana sa hirap, pagsubok at ang pag-asa niya ay lumalabo sa Panginoon subalit, kailanman, hindi nawawala ang kanyang pana-nampalataya. Doon siya lubos na kinakalinga ng Diyos. Panginoon ay purihin, siya ay nagpapagaling.
Ang mga pagsubok sa atin ng Diyos ay tulad ng naganap kay Job na kadalasan ay hindi natin mapagwari. Tularan natin si Job na kailanman ay hindi sumuko. Na-ging matatag siya.
Sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto: “Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita.”
Kung ginagawa ito sa sariling kalooban, kailanman ay walang gantimpalang maaasahan sapagka’t ito’y walang kabuluhan. Kung atin itong ginagawa bilang pagtupad sa kalooban ng Panginoon at alang-alang sa Mabuting Balita ay may kabahagi ito sa Kanyang pagpapala. Ayon sa ebanghelyo, pinagaling ni Hesus ang maraming maysakit. Ang biyenan ni Pedro at mga inaalihan ng demonyo. Matapos ang Kanyang pagpapagaling, pumupunta si Hesus sa ilang na pook at doon Siya nananalangin.
Tularan natin si Hesus na sa gitna ng Kanyang pa-ngangaral at pagpapagaling sa mga maysakit ay hindi Niya nakalimutang manalangin at nakikipag-ugnay sa Ama Niya sa Langit. Si Hesus ang ating Divine Healer. Ipanalangin natin ang mga doktor na palagi silang manalangin at makipag-ugnayan sa Panginoon upang patuloy silang bigyan ng biyaya sa kanilang pagpapa-galing sa mga may sakit.
Job 7:1-4, 6-7; Salmo 146; 1Cor. 9:16-19 at Mark 1:29-39
* * *
Happy birthday Melo Acuña.