All out war with Malaysia

HALIMBAWA natuloy na ang Bangsamoro Substate. Ano at sino ang makakapigil nito na magpasya balang araw na maging miyembro ng Federated States of Malaysia?

Sa ngayon ang mga states na bumubuo ng Malaysia ay ang mga sumusunod: Kuala Lumpur, Labuan; Putra Jaya, Johore, Kedah DarulAman, Kelantan, Malacca, Negiri, Pahang, Ridzuan, Kayangan, Penang, Sabah, Sarawak, Selangor at Terengganu.

Ang tawag sa pinaka-mataas na opisyal ng bawat state sa Federation ay “Chief Minister”. Ayun sa BBL, “Chief Minister” din ang itatawag natin sa pinakamataas na opisyal ng Bangsamoro Substate.

Maraming magagandang dahilan kung bakit ang Bangsamoro Substate ay maaaring magpasya balang araw na iwanan na ang Pilipinas para sumali sa Federation of Malaysia dahil mas mayaman na bansa ito kung ihambing sa Pilipinas. At magkakaroon pa ng pagkakataon na maging King of Malaysia ang sino mang mi-yembro ng royalties sa Bangsamoro dahil ang Kingship ng Malaysia ay naka-rotate every four years sa mga royalties ng states ng Malaysia.

Kapag tuluyan nang tumiwalag ang Bangsamoro Substate sa Pilipinas, siyempre susuportahan ito ng Armed Forces of Malaysia. At alangan naman na pababayaan lang ito ng Estado ng Pilipinas. Siyempre gagawin ng Pilipinas ang lahat para madepensahan ang “integrity” ng kanyang national territory.

Kaya ang inaakala natin na magkaroon na tayo ng total peace kapag sinang-ayunan natin ang BBL o ang pagtatatag ng Bangsamoro Substate, ito ay isang pagkakamali na hahantong lamang balang araw sa total war with the more powerful and prosperous Malaysia.

Dahil giyera na ito between nations, mas maraming Pilipino ang mamamatay at lalong lalabo ang hinahangad nating lasting peace. Lasting war with Malaysia hindi lasting peace with the MILF ang mangyayari.

Show comments