ALAM n’yo bang may banta sa buhay ni Pope Francis nang ito ay dumalaw sa bansa?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Sen. Koko Pimentel, Jomai Parroco, Bro. Mel Rivera, Elpie Fontanilla, Bro. Wilmark Tamayo, Sis. Susan Rivera, Cynthia Casalme ng BSP at Pricess Nina Calvan.
Alam n’yo bang totoong may banta sa buhay ng Santo Papa nang ito ay dumalaw sa bansa subalit inilihim ito ng mga awtoridad?
Ayon sa aking bubwit, sinadya ng mga opisyal ng pamahalaan, pulisya, militar at maging mga tauhan ng simbahan na ilihim ang nasabing banta sa Santo Papa upang hindi matakot ang mamamayan.
Ito pala ang dahilan kaya naging hands on si President Aquino sa seguridad ng Santo Papa. Magugunita na noong Huwebes ng madaling araw ay kasama pa ni Aquino si DILG Sec. Mar Roxas, MMDA Chairman Francis Tolentino at iba pa sa pag-inspection sa mga rutang dinaanan ni Pope Francis. Kasama na rito ang lugar na pinagdausan ng misa sa Quirino Grandstand sa Rizal Park.
Ayon pa sa aking bubwit, bukod sa pagputol sa signal ng mga telcos, pagpapakalat nang maraming intelligence agents sa vicinity ng mga dinaanan at pinuntahan ng Santo Papa, pati security guards ay hiningan din ng tulong para hindi malusutan ng mga terorista.
Sa panayam ng DZRH kay Communications Sec. Sonny Coloma, hindi man direktang inamin na may banta mula sa mga bandidong Abu Sayaff at mga Jemaah Islamiya, sinabi niyang isa ito sa kanilang pinaghandaan.
Ayon pa sa aking bubwit mula sa AFP, kaya pala nagpadala ng mga sundalong tumugis sa mga bandidong Muslim sa Mindanao ay upang bulabugin at para hindi makapaghanda ang Sayyaf.
Batay sa litrato ng mga bandidong Sayaff na ipinamahagi sa pulisya, militar at mga security guards na dapat matyagan habang narito ang Santo Papa ay sina Zulkifli Bin Hir, may reward na P7.4 million; Isnilon Hapilon, reward: P7.4 million; Ahmad Akmad Usman Batabol, reward: P6.3 million, Furudji Amirin indama, reward: P6.3 million, Ben Said at 11 pang miyembro ng Sayaff.