SI Alex Buenaobra ang aking mabait na driver. Mula nang manungkulan siya sa akin, never siyang bumusina sa mga bus at jeepney kahit na ba paminsan-minsan nahaharangan o bigla na lang nasisingitan ang aming daan dahil sila ay nagpapasakay o di kaya ay nagbababa ng mga pasahero.
Di naman madalas nangyayari ito sa amin kasi sa pangkalahatan, maayos naman ang takbo ng mga bus at jeepney sa kalye pero sa mga pagkakataong nangyayari ito, never na bumubusina si Alex.
Nagkasundo kami ni Alex na huwag bumusina dahil napagtanto namin ang tatlong bagay: una, wala naman kaming problema dahil kami ay nakasakay sa isang air-conditioned na kotse.
Pangalawa, ang driver ng bus o jeepney ay wala namang masamang budhi sa amin dahil siya naman ay nagsisipag lamang na makapagsakay ng mas maraming pasahero para madagdagan ang kita.
Pangatlo, kapag bumusina kami, hindi lang drayber ng bus at jeepney ang binubusinahan namin kundi ang taumbayan na nagmamadaling makarating sa kanilang mga destinasyon.
Kaya mas minabuti namin na paraanin at paunahin ang masa at ang mga manggagawa na baka ma-late sa kanilang trabaho. Kung tutuusin dahil sa mas malaking bilang nila kaysa mga naka-kotse, sila talaga ang bumubuo ng soberanya ng Pilipinas.
Kaya sa mga kapwa ko na mapalad nagkaroon ng kotse, sana ganito ang isaisip at isagawa natin lagi kapag tayo ay nasa lansangan. May tawag si Pope Francis dito: COMPASSION.
* * *
Ako ay nagagalak at lalong dumarami ang sumasali sa Kapatiran ng Rose. Ito ay isang fraternity/sorority ng mga uring manggagawa na walang hazing at walang membership dues maliban lamang sa P50 one time registration fee para pagkalooban kayo ng ID na pirmado ko.
Bilang brod o sis ko, ako at ang ating kapatiran ay nakahandang tumulong sa anumang klaseng problema sa abot ng aming makakaya.
Maging bahagi na ang ating kapatiran. Huwag magpaisa, magkaisa.
Sumali na sa ROSE Movement. Makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: han_sen703@yahoo.com at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.