MAY isa akong kaibigan na nagsabi sa akin na dahil gumaganda naman daw ang ekonomiya ng Pilipinas, hayaan na lang natin ang kontraktuwalisasyon. Ang sagot ko sa kanya, paano gaganda ang ekonomiya kung 12 million sa ating mga kababayan ay jobless at 18 million ay underemployed ayon sa Social Weather Station (SWS)?
Kaya gumaganda ang ating ekonomiya ay dahil sa mas lumaki ang mga remittances ng OFWs at nabawasan naman ang massive graft and corruption dahil kay Pres. Benigno S. Aquino III.
Kaya walang kinalaman ang kontraktuwalisasyon sa paglago ng ating ekonomiya. Kung mayroon mang kinalaman, ito ay dahil sa mas dumadaming malls ang pinapatayo ngayon nina Henry Sy, Gokongwei, Ayala, Gaisano, Lucio Lao Co at iba pa dahil ang limpak-limpak na salapi na kinikita nila na dapat ibinabahagi sa mga empleyado nilang 555 bilang 13th month pay, overtime pay, uniform expenses, retirement pay at iba pa ay inaangkin nila. Kaya ang pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa bansang ito ay lalong lumalawak.
“Righteousness exalteth a nation”. Ang contractualization na bumibiktima ng milyong manggagawa at kanilang mga pamilya ay hindi tama dahil ito ay labag sa security of tenure clause at ng Labor Code.
Kaya how can God exalt our Nation when countless employers with the tolerance of the government cheat millions of our workers and families.
But God helps only those who help themselves. Kaya panahon na, na ang uring manggagawa ay tumulong sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pakikiisa sa Rose movement.
Huwag magpaisa, oras na para magkaisa. Makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: han_sen703@yahoo.com at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.