David at Goliath

Waring hindi pantay ang tao sa mundo

may taong marunong at saka may bobo;

Taong marurunong ay umaasenso

mga utak biya nagkalat sa kanto!

 

Ang tao’y hinulma sa dalwang larawan

may nilikhang pangit may maganda naman;

Kaya di totoo nasa kasulatan --

ang lahat nang tao sila’y pantay-pantay!

 

Sa mga labanang ang gamit ay armas

madalas magwagi armas na malakas;

Ang taong may baril ay panalo agad

daig na daig n’ya gamit lang ay itak!

 

Sa ating halalan ang isang mapera

tiyak na panalo sa botong nakuha;

Dukhang kandidato talung-talo niya

kung medyo panalo ay pinapatay pa!

 

Magkakapit-bahay kapag nag-aaway

laging nagwawagi pamilyang mayaman;

Mga maralita’y hindi makalaban

dahil walang pera’y talo sa hukuman!

 

Mayayamang tao’y takbo sa casino

kasosyo’y manager pag-uwi’y panalo;

taong maralita nagsasabong ito

maysakit ang manok umuuwing talo!

 

Matangkad na tao’y yumayaman agad

hindi makaabot mga taong pandak;

Pero may panahong ang taong matangkad

ay nadadaig din ng taong masipag!

 

David at Goliath – isang halimbawa

na sa kasaysaya’y nabasa ng madla;

Maliit si David mahal nang Bathala -

tinalo ang giant na ulo’y mahina!

Show comments