ANG unang linggo matapos ang Pasko ay ang kapis-tahan ng Holy Family. Ito ang araw ng nagsasama-sama ang isang pamilya sa mga bansang may Kristiyano. Ang kaarawan ni Hesus ay kaarawan din ng isang tahanan na nagpapatibay sa pag-iibigan ng mga magulang at anak.
Ito ang family reunion, isang pagsasakatuparan ng ating pananampalataya at pagbati sa pamilya ni Hesus. Ang pagtawag natin sa Kanila ay isang wagas na panalangin at paghingi ng biyaya kina Hesus, Maria At Jose. At kadalasan sa ating mabilis na panalangin, sinasabi natin, susmaryosep po!
Ang ating pagbabatian ngayong Pasko ay isang pagpapatunay ng ating paggalang sa ating kapwa lalung-lalo na sa ating magulang. Gumagalang sa magulang ang isang may takot sa Diyos. Ito ang ipinababatid sa atin ni Sirac: “Ang gumagalang sa kanyang ama’y nagbabayad na sa kanyang kasalanan, at ang nagpaparangal sa kanyang ina’y parang nag-iimpok ng kayamanan.” Ang tunay na pagdiriwang ngayong Pasko ay ang pagpapatawaran at pagpapaumanhinan. Sinulat ni Pablo sa mga taga Colosas ay dito natin mamamalas ang tunay na pamumuhay ng mag-anak na Kristiyano. Ito ang muling pagpapatibay ng isang tahanan na ligtas sa anumang kaguluhan. Sinabi ng anghel kay Jose: “Magbangon ka. Dalhin mo ang mag-ina.”
Ito ang bukod-tangi sa ating mga Pilipino na sa kabila ng kahirapan ay hinahangad nating magkaisa tuwing Pasko. Sa mga taga-subaybay ng aking column, sama-sama na-ting ipanalangin ang lahat ng mag-anak upang magkaroon ng kapayapaan. Ipanalangin din natin ang mga pamilya kasama nina Hesus, Maria at Jose na magbigay ng aliw at biyaya upang dumating din ang panahon na tayong lahat ay magkasama-sama. Susmaryosep, ipanalangin Ninyo kami!
Sirac3:3-7, 14-17a; Salmo127; Colosas3:12-21 at Mt2:13-15, 19-23
* * *
Happy Family kina Joseph at Christine Yae!