KUNG gusto po ninyo sa isang fraternity/sorority na walang hazing, inaanyayahan ko kayong sumali sa Rose Movement. Ito ay isang brotherhood/sorority ng mga uring manggagawa na katulad ng mga Contractuals o 555; Jobless; Job Order employees; Underpaid; Casuals; OFWs; Mangingisda; Magsasaka; at SMEs o Small and Medium Entrepreneurs o Cujjucomms for short. Ang pangalang Cujjuccoms ay nagmula sa mga pangunahing letra ng mga nabanggit na uri ng mga manggagawa kasama ang mga small and medium entrepreneurs (SMEs).
Kung tutuusin tayong mga Cujjucomms at ang ating mga pamilya ang bumubuo ng halos 95% ng pangkalahatang populasyon ng ating bansa. Ngunit dahil hindi pa tayp nagkakaisang mga Cujjucoms, nagmistulang mga salimpusa lamang tayo sa mga biyaya na naidudulot ng isang demokrasya.
Labindalawang milyon ng mga kapwa nating Cujjuccomms ay mga jobless, 18 milyon ay mga under-employed, 10 milyon ay mga contractuals o endo o 555 na labag sa batas, milyones ay mga magsasaka at ma-ngingisda na kulang sa ayuda galing sa ating gobyerno at ninanakawan pa ng fertilizer at iba pa.
Napapanahon na mga kapwa Cojjuccomms na tayo ay maging Knights and Ladies of the Rose (Respect Our Security of Employment/ Entrepreneurship). Sali na at sa mapayapang paraan ay sama-sama nating yanigin ang lupa sa ilalim ng mga paa ng mga ilang ganid na miyembro ng oligarkiya ng ating bansa at ng mga tuta nilang mga miyembro ng political elite na nagpapahirap sa buhay ng mga uring manggagawa dahil sa korapsyon at kontraktwalisasyon.
Para sumali, makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: han_sen703@yahoo.com at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.
Walang sinisingil na yearly membership dues maliban sa halagang P50.00 para sa registration at ID na hindi na kailangang i-renew pa hanggat hindi nasisira o nawawala.
Ako mismo ang pumipirma sa ID bilang Presidente ng Rose Movement. Gusto kong maging Bro at Sis kayong lahat sa fraternity/sorority na ito.