Lupang Hinarang

KAMAKAILAN, habang inaawit ko ang ating Pambansang Awit sa isang malaking pagtitipon na ako ang guest speaker, napagtanto ko na wala na itong ibig sabihin sa akin.

“Bayang magiliw,” sabi sa unang linya. Papaano tayo masisiyahan sa lugmok nating kalagayan ngayon na 12 milyon sa ating mga kababayan ay walang trabaho? Sampung milyon naman ay malungkot na nahihiwalay sa kanilang pamilya sa Pilipinas para maglingkod sa iba’t ibang lahi sa ibayong dagat?

“Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay.” Ha? Papaano nangyari yun sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa na milyones ang gutom? Paano aalab ang puso ng mga kumakalam ang tiyan?

“Duyan ka nang magiting.” Oo noong kapanahunan nina Bonifacio, Diego Silang, at ng lolo’t lola nating lumaban sa World War II. Ngayon, nasaan na ang magigiting? Harap-harapan tayong isinasalaula ng mga hari ng kontraktuwalisasyon. Ang mga magsasaka naman natin ay hawak sa leeg ng rice traders na nagpapahiram sa kanila ng pera na may interest na 30% na pinababayaran ng aning palay sa napakababang halaga at binabawas ang 30% na patong. Ang tinatanggap ng trader na kabayaran ay palay lamang na mas mura at hindi bigas dahil ang tusong trader ang nagkikiskis (milling) sa palay para maging bigas at binebenta ng mas mahal.

“Sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw.” Aling bundok? Yung bang mga bundok na hinahayaan lamang ng gobyerno natin na kinakalbo ng mga taga-China para sa ating mga ginto, magnesium, copper at iba pang mi-neral? Aling dagat? Yun bang mga dalampasigan ng karagatan natin na walang pakundangan na pinaghahakutan ng mga taga-China ng black sand? Anong simoy at langit na bughaw? Kadalasan kulay abo na ang langit natin dahil sa pollution.

“Sa manlulupig hindi ka pasisiil.” Matagal na tayong sinisiil hindi lamang ng mga ganid na negosyante kundi ng mga tiwaling taong gobyerno na ninanakaw ang pera ng bayan sa halip na tinutustos para sa fertilizers at irrigation ng mga magsasaka, para sa school buildings at imprastraktura na makakalikha ng milyones na trabaho.

Wakasan na ang panlulupig sa atin. Tayo ay magkaisa sa Respect Our Security of Employment (ROSE) Movement  Para  sumali, mag-text sa mga sumusunod: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa han_sen703@yahoo.com at bisitahin ang Error! Hyperlink reference not valid. page www.facebook.com/rosemovementph

Show comments