Bakit tayo mahirap at nagugutom?

INAANYAYAHAN ko ang lahat na basahin ang mga libro na “Why are we poor?”  at “Why are we hungry?”. Ang mga libro ay compilation ng essays na isinulat ni F. Sionil Jose. Si Jose ay National Artist at sa sobrang husay niyang sumulat, nakapagtataka kung bakit hindi pa siya nagagawaran  hanggang ngayon ng Nobel Peace award.

Babanggitin ko ang ilan sa mga makahulugang sinabi ni Jose na relevant ngayon sa mga “nagbabagang mga balita” hinggil kina Vice President Jojo Binay at PNP chief Director General Alan Purisima.

Nasabi ni Jose na: “We are poor because we lost our ethical moorings. We condone cronyism and corruption and we don’t ostracize or punish the crooks in our midst. Both cronyism and corruption are wasteful but we allow  their practice. Our loyalty is to family or friend, not to the larger good.”

Ang Aquino at mga Binay ay close family friends. Pero kung ang iniisip ni P-Noy ay kapakanan ng “larger good”  dapat ay matagal na niyang pinagbitiw sa kanyang Gabinete si Binay bilang kalihim ng HUDCC at PA on OFWs dahil kahit na tanggalin si Binay sa Gabinete, mananatili pa rin naman siyang Vice President na may mga anak na mayor ng Makati, senadora at kongresista. 

Hinggil naman kay Purisima, hindi ko mawari kung anong klase talaga ang samahan nila ni P-Noy at ipinagtatanggol pa niya si Purisima sa harap ng napakaliwanag na “unexplained wealth” nito. Family friend din ba ng mga Aquino ang mamang ito? O crony? O baka naman pare-pareho lang silang palihim na tumataya sa jueteng?

Ito pa ang sinabi ni Jose: “Physical poverty is really not serious as the greater poverty which afflicts us -- and this is the poverty of the spirit.”

Ang ibig sabihin ni Jose, bagamat may mga mayayaman sa ating lipunan, tulad ni P-Noy, Binay at Purisima, lahat tayo ay pare-pareho lang na poor, that is, poor in the spirit, kasi from the President, Vice President and down the line we all condone cronyism and corruption.

Show comments