MALAWAKANG katiwalian sa gobyerno ang sanhi ng overseas employment. Sang-ayon sa World Bank, 30% sa taunang budget ng bansa, mula pa noong kapanahunan nina Marcos, Cory, Ramos, Erap, Gloria at ngayon si P-Noy, ay kinukurakot ng mga tiwaling pulitiko at taong gobyerno.
Samakatuwid, hindi lamang milyones o bilyones kundi trilyones na ang ninanakaw sa kaban ng ating Inambayan, pera na dapat natutustos para lumikha ng milyones na trabaho para sa mamamayang Pilipino.
Kung hindi dahil sa malawakang katiwalian, milyones sanang patrabaho ang nalikha sa bansa at hindi na sana umaalis pa ang mga kababayan natin para magpaalipin sa ibayong dagat.
Kaya si Presidential Adviser on OFWs, Vice President ng Pilipinas at Secretary pa ng Housing and Urban Development at dating Mayor pa ng Makati at mister ng dating Mayor ng Makati at tatay pa ng isang Senadora at isang Kongresista ay dapat magpaliwanag nang husto sa OFWs na siya at ang mga angkan niyang pulitiko ay hindi mga corrupt at wala silang kinalaman sa massive graft and corruption sa bansa na naging sanhi ng widespread joblessness sa bansa at ng pangingibang bansa ng OFWs.
Dahil kung hindi maipaliliwanag nang husto ni Binay na siya ay hindi kasama sa hanay ng mga plunderers ng kaban ng Inambayan ay dapat mag-resign na siya hindi lamang bilang Presidential Adviser on OFWs kundi bilang Vice President.
‘Yang si Senadora Binay naman na nabansagang “cakegiver” sa mga diyaryo dahil sa diumano’y mga “cakeback” ay dapat ding magpaliwanag na hindi siya corrupt.
Ganundin dapat ang gawin ni Mayor Junjun na may elevator ang bahay at ni Kongresista Abigail na may mga alingasngas din hinggil sa misuse ng kanyang pork barrel.
Si dating Mayor Elenita naman ay may kaso na sa Ombudsman at hindi makaalis ng bansa nang walang permit to travel.