SA Biernes, August 29, 2014, ang ika-12 taon ng kamatayan ni ROSITA RAYMUNDO GARING, ang butihin ina ni Atty. BIYONG GARING.
Isang padasal para kay Nanay Rosita ang iaalay ng kanyang mga anak, apo, kamag-anak at mga kaibigan na gagawin sa Musoleo Garing, San Carlos Memorial Park, Naujan, Oriental Mindoro, sa ganap na alas 3:00 ng hapon.
PNP angat sa Pulse Asia Survey
IBINIDA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tumaas ng 54% ang rating na nakuha ng Aquino government kapag ang pinagkuentuhan ang kampana este mali kampanya pala nito sa pagsugpo sa mga krimen sa Philippines my Philippines.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ang ibinida ng Pulse Asia Survey na ginawa nila last June kaya naman tuwang-tuwa sa galak si P. Noy sa performance ng Philippine National Police at iba pang crime fighting agencies.
Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang paggamit ng PNP ng makabagong E- Blotter ang isa sa dahilan kung bakit tumaas ang kumpiansa ng madlang people sa pulisya dahil kayang-kaya ng tutukan at alamin ng kapulisan ang mga lugar na kadalasan nangyayari ang iba’t-ibang crime sa Philippines my Philippines.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinalabas ni PNP Chief General Alan Purisima ang mga uniformed personnel para makatulong sa police visibility ang response.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mataas na pulse asia survey ang direktiba ni Purisima patuloy na sumailalim ang kapulisan partikular ang mga imbestigador sa refresher and training courses para lalong umigting ang galing at abilidad nila pagdating sa police work.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, happy si P. Noy ng tumaas ng 36% crime solution rate dahil sa sunod-sunod na huli na ginawa ng mga tauhan ng PNP - CIDG sa pangunguna ni CIDG director Benjamin Magalong, CIDG - NCR Sr. Supt. Bong Fajardo at mga tauhan nito sa NCR sa walang humpay na nagtrabaho para lambatin ang mga notorious most wanted people.
Ika nga, halos lahat ng most wanted criminals na nahuli ng tropa ni Fajardo ay naghihimas na ng rehas!