Frat na walang hazing

NOONG ako’y Labor Attaché sa United Arab Emirates mula 1983 hanggang 1989, may itinatag akong fraternity na ang pangalan ay Frasortal Discipline of the Condiscipulos (FDC).

Tatlo ang layunin ng FDC: 1. Friendship Regardless of Ideology, Ethnicity, Nationality, Differences or Status (FRIENDS); 2. Charity to the Homeless, Orphans, Widows, Sick, Aged, and Disabled (HOWSAD); and 3. Conservation of Life and the Environment for the Advancement of  Nations (CLEAN).

Pagmasdan ang acronyms na FRIENDS, HOWSAD at CLEAN na pawang self-explanatory. Maraming kabutihan ang nagagawa ng FDC sa Gitnang Silangan. Ang turing ng FDC sa hazing ay gawain ng mga bata at hindi ng mga professional. Kaya mahigpit na ipinagbabawal ang hazing sa pag-i-initiate ng neophytes.

Sa halip, ang neophytes ay inaatasan na tumulong sa distressed OFWs, ayun sa layunin ng HOWSAD; paglilinis sa beaches halimbawa ayon sa layunin ng CLEAN, at pakikipagkapwa tao sa lahat ng lahi ayon sa layunin ng FRIENDS.

Ang FDC at 26 na taon na at hanggang ngayon, walang nasasaktan o napipinsala sa initiation ng neophytes. Ito ang fraternity na dapat itinatatag ng mga kabataan sa paaralan, bansa at sa buong mundo.

Inaanyayahan ko ang lahat na sumali   babae man o lalaki sa fraternity/ sorority na ito. Pakitext lamang ang aking­ anak na si Hazel sa numerong 09062136814 o email hazelseneres@yahoo.com.

Si Hazel ang magtuturo sa inyo kung papaano kayo magtatag ng sarili ninyong chapters at ako naman ang mag-iinduct sa officers at members.

Ang Condiscipulos ay acro­nym din na ang ibig sabihin ay Coexistence Of Na­tionals of Diverse In­terests and Status, Committed to Inhabit the Planet and the Universe with Love, Order­liness and Selflessness.

Young or old everybody is welcome.

Show comments