NUNG NAKARAANG LUNES, naitampok ko ang artikulong ‘SAGRADONG BAKA BA SI GENUINO?’
Hindi lang yun ang isyu sa kanya. Lumutang din ang mga akusasyon na kung itong si Genuino ay tumanggap ng suhol mula sa isang Japanese Corporation na nanalo sa isang ‘multi million project’ ng Pagcor?
Bakit kailangang magbayad ng isang kompanya ng $5M na suhol makalipas ang dalawang taon matapos makakuha ng provisional license mula sa Philippine regulators?
Naitanong ito ng mga mambabatas nang simulan nilang imbestigahan ang bribery case na kinasasangkutan umano ng Universal Entertainment Corporation ng Japanese billionaire na si Kazuo Okada’s at ng dating opisyales ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Ang chair of the House Committee on games and amusement na si Rep. Amado Bagatsing ay itinuro na ang Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc., ni Okada ay nakuha ang lisensiya para gawin ang negosyo sa Pagcor’s Entertainment City noong ika-5 ng Agosto 2008—o dalawang taon bago ang umano’y lagayan ng pera.
Si Rodolfo Soriano, isang Pagcor consultant ay nabansagang bagman ng dating Pagcor Chair Efraim Genuino, nakatanggap umano ng $5M dollars na suhol ayon sa Reuters.
Ayon sa ulat ng Reuters noong ika-16 ng Nobyembre na ang $5M ay parte ng $40M fund transfers by Universal’s Aruze USA sa unang mga buwan ng 2010 habang ang Universal ay naghahanap ng tax and ownership-related concessions sa huling mga buwan ng administrasyong Arroyo para sa $2 billion casino sa Manila Bay.
Ang balitang ito ay binase ng Reuters sa bank records, corporate filings, court documents at mga dokumentong inihanda ng staff ng Universal. Ang US regulators ay iniimbestigahan na ngayon ang pagbayad kay Soriano.
Sa simula ng pagdinig sa senado, natanong ni Bagatsing kung bakit kailangang magbigay ng $5M kung mayroon ng lisensiya? Ang pagbabayad umano ay naganap bago mapalitan ng bagong opisyales ng Pagcor ang mga nakaupo nuong panahon ni Genuino.
“Hindi ko alam kung may negosyanteng gagawa ng ganyan, magbabayad sa paalis na opisyal at may lisensiya ka na sa loob ng dalawang taon.”
Sinabi ni ACT Rep. Antonio Tinio na ang suhol ay hindi malayong mangyari sa kabila ng dalawang taong puwang.
“Kung ito’y dalawang taong nang nakakalipas, maaring ito ay para hindi maikabit sa pagbibigay ng lisensya at hindi mahalata, sabi ni Tinio.
Ikinagulat ng committee members ang rebelasyon na si Soriano ay nakakatanggap lamang ng P1 bayad kada buwan para sa kanyang trabaho bilang Pagcor consultant noong 2006.
Binuksan ni Tinio ang dokumento ng pagrerehistro ng Fortune Future Ltd. na nagsasabing, ‘establishes the location of Future Fortune, the vehicle through which the $40M (bribe) was passed from Universal to the Soriano firms.”
Naibalita ng Reuters na ang $40M ay nailipat mula sa account ng Aruze USA, Universal’s subsidiary, through Future Fortune when Universal was seeking ownership-related concessions during the Arroyo administration noong 2010.
Ipinrisinta ni Tinio ang ibang dokumento na may kinalaman sa People’s Technology Ltd., na pag-aari ni Soriano at ang tumatanggap ng $5 M mula sa $40 milyong inilipat mula sa Aruze USA Accounts.
“Ipinapakita rin nito na ang tanging shareholder ng kompanya ay ang isang Rodolfo Soriano mula Nov. 17, 2009, ibig sabihin itong si Rodolfo Soriano ang may kontrol sa kompanya at may abilidad na ma-access ang company’s bank account at matanggap ang $5M,” sabi niya sa kanyang mga kasamahan
Isa pang dokumento na tumutukoy sa Subic Leisure and Management Ltd., ang ‘kinalagyan’ ng natitirang $35M sabi ni Tinio.
Masahiro Terada, ang general manager ng Tiger Resort ay dumalo sa pagdinig at sinabi sa mga mambabatas na ang kasalukuyang kaso na nakasampa sa Tokyo Universal laban sa tatlo nitong dating opisyales na konektado sa ibang bayaran ng $5M at $10M diumano sa Soriano firms.
Sumagot si Tinio na ang kaso ay ‘tinatanggap na nagkaroon na ng paglilipat ng pera.
“Doon lamang nagbibintang na ito’y hindi awtorisado ng top management ngunit gayon pa man nagkaroon ng paglilipat. Sa ating batas, sa ating jurisdiction, yan ang kailangan nating malaman,” sabi niya kay Bagatsing.
Dinagdag ni Terada na ang limang milyong utang na diumano’y “guarantee fee,” na kalaunan ay naisauli.
Sabi niya $10M ay naibalik sa Universal sa pamamagitan ng cheke sa parehong araw. Ito ay inilipat sa Subic Leisure noong 2010.
“Walang nawala sa $10M, walang sinumang nakinabang sa $10M,” sabi ni Bagatsing.
“Saan pupunta ang alegasyon ng lagay? Ito lahat ay nasa konteksto ng korporasyon, kung saan nasa labas ng Pilipinas,”
Sinabi ni Evardone kay Bagatsing na nagulat si Terada na ang kompanya ay nakuha pabalik ang $10M.
“Ang tanong dito ay kung paano ikokonekta si Mr. Soriano kay Genuino, sa Pagcor kung saan naibigay ang lisensiya sa Tiger. Pero lahat ng transaksiyong ito ay nangyari matapos maibigay ang permit. Yan ang dahilan, kung bakit, kung sakaling may transaksiyon sa pagitan ni Mr. Soriano at ng kanilang grupo, sa pagkakataong ito hindi kami makakapagbigay ng konklusyon. Hindi namin mahuhulaan kung ano ang koneksiyon sa Pagcor, lalo na ang pagbibigay ng permit,” sabi ni Evardone.
Si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay naghahanap ng ebidensiya sa $5M na panunuhol.
Maliban sa grupo ni Okada, may iba pang tatlo na humawak ng mga ‘license to operate’ sa 120-hectare na pag-aari ay mabawi mula sa Manila Bay—Belle Corp. ng SM Group, Bloombury Group of Enrique at Travellers International Hotel.
Nainip na ang taong bayan kung bakit ang Sandigan Bayan ay hindi ituloy ang pagdinig sa kaso nila Genuino gayung pati mga prosecutors ng Ombudsman mismo ang nag-uudyok na kumilos na sila.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038. Tel nos 638-7285, 710-4038, 09213263166, 09198972854