ANG problema hinggil sa kontraktuwalisasyon ay napakalaki. Halos lahat nang manggagawa ngayon sa bansa ay contractuals o mga “Endo†dahil sila ay pinapipirma ng mga kontrata na nagbibigay kapangyarihan sa employers na mag-alis sa kanila sa trabaho pagsapit ng limang buwan.
Ito ay hindi lamang labag sa security of tenure clause ng Constitution, ito ay illegal at immoral dahil pinagkakaitan ng employers ang mga manggagawa ng karapatan na umunlad sa kanilang katayuan sa buhay kapag sila ay naging regular at permanent employees.
Nandito ako ngayon sa Butuan City at lahat ng mga empleyado ng malls, restaurants at iba pang mga negosyo rito, malaki man o maliit, ay pawang mga “Endoâ€. Hindi lamang sa Butuan City umiiral ang salot ng kontraktwaÂlisasyon, ito ay laganap sa buong bansa.
Ano ang pananaw ni Jojo Binay at ni Mar Roxas, ang dalawang leading personalities na gustong maging PresiÂdente sa 2016 tungkol sa problema ng kontraktwaliÂsasyon? This early, dapat ipaalam nila sa buong samÂbayanang Pilipino kung ano ang paninindigan nila hinggil sa kontraktwalisasyon.
Ako ay nananawagan sa student councils na mag-organize ng mga campus debates at anyayahan sina Binay na mag-debate tungkol sa nasabing issue kasama na ang issue sa tungkol sa korapsyon, kahirapan at kakayahang maging Presidente ng bansa.
Ipakiusap natin sa dalawa na sabay silang humarap sa TV camera at magsabi ng “Kung walang corrupt, walang mahirapâ€. Tingnan natin sa facial expressions nila kung sila ay kapani-paniwala.
Himukin din natin si Mar na magsabi sa harap ng camera ng “Ako ay may kakayahang bigyan ng lunas ang lahat ng mga crisis na dumadating sa bansa tulad ng Yolandaâ€.
Si Jojo naman ay pakiusapan natin na magsabi ng “Hindi ako corrupt at galit ako sa paÂmilyang matakaw sa mga puwesto at kapangyarihanâ€.
Ibig kong maging moderator ng debate ni Jojo at Mar kung mamarapatin ng student councils.