IPINATUTUPAD na ang Anti-Drunk and Drugged Driving Law. Matapos ang ilang buwang pagtalakay ng mga impleÂmenting rules and regulations, may kapangyarihan na ang mga enÂforcer na manghuli ng mga nagmamanehong lasing at multahan, o ikulong kung kinakailangan. Malaki ang multa, at may kulong pa kapag patong-patong na ang paglabag. May mga inilabas na patakaran para sa mga pribado at pampublikong drayber. Kapag may hinalang nakainom ang isang nagmamaneho ng sasakyan, pwede nang parahin ng mga enforcer ang sasakyan at pababain ang drayber.
May mga ipapagawa sa drayber o “field sobriety test†kung saan malalaman kung maayos pa ang balanse at koÂordinasyon. Kapag hindi nakapasa sa kahit isa sa mga ipagagawa, susukatin na ang lebel ng alcohol sa dugo sa pamamagitan ng breathalyzer. Para sa mga drayber ng pribadong sasakyan, .05% ang limit ng alcohol sa dugo. Pero para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan, kailangan 0% o walang bahid ng alcohol sa dugo. Kahit konting beer o alak ay hindi puwede para sa mga drayber na ito.
Maganda ang hangarin ng LTO, at nakapagtataka nga kung bakit tila ngayon lang nagiging seryoso sa paglalabag na ito, kung saan marami na rin ang napinsala dahil sa pagmamaneho ng nakainom. Itong taon pa lang ay higit 100 insidente ng drunk driving ang naitala na. Pero wala pa raw budget para sa pambili ng mga breathalyzer at field testing kit. Kaya kung paano mapapatupad ito nang maayos ay kuwestiyonable pa rin. Hindi malalaman ang lebel ng alcohol sa pamamagitan ng mga field testing lamang.
Nandyan din ang pangamba ng mga grupo ng pampublikong sasakyan na paraan na naman ito para maabuso sila ng mga tiwaling traffic enforcer. Totoo nga iyan, kaya dapat may paraan para hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga drayber at traffic enforcer na iwasan ang mga tamang multa at parusa sa pamamagitan ng negosasyon. Dapat naka-video ang paghuli sa mga drayber, tulad ng mga pulis sa Amerika kung saan may camerang nakatutok sa harap ng kanilang sasakyan. Mga nahuhuling tiwaling enforcer ay sa pamamagitan ng mga CCTV, kaya walang kawala.