ANO ba naman, ’yan? Nakalimutan na ba nating ngayon ang Araw ng Kalayaan?
Oo, alam n’yo na dahil nasa kalendaryo ito! ‘Yung iba nga nating mga opisyal mag-aalay pa ng mga flower sa ating mga Hero. Pero pagkatapos noon, mag-uunahang umuwi para makapaglamiyerda.
Bakit?
Walang pasok, siyempre, Noong ako’y bata pa isa rin ito sa mga araw na aking hinihintay-hintay. Bakasyon nga naman sa eskwela. Pero noong nakita ko ang kahaÂlagahan ng petsang ito, ako na mismo ang naghahanap ng mga bandera para mailagay man lang ng harap ng maliit naming haybol.
Kaya nga maraming rebulto sa labas ng ating mga munisipyo para paalalahanan tayo na hindi lang minsan na marami nating mga kabababyan ang nag-alay ng kanilang buhay para makamtam natin ang kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Sabi nga, Long Live the Philippines my Philippines!
Sa araw na ito, ating binubuhay ang ating Panatang Makabayan dahil tayo ay nangako sa ating sarili habang binibigkas ang mga salitang nakatitik dito na hindi pagagapi kahit sinumang mananakop at handang mamatay para sa mahal nating Philippines my Philippines.
Ang problema mukhang sumobra na ang ilan nating mga maiingay na madlang people.
Kalimutan na natin ang “drawing†ng mga opisyal na akala mo’y maiyak-iyak habang tinutugtog ang ating Pambansan Awit tuwing pinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan, kahit buong taon hayop namang magnakaw kundi man mang-abuso sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Ika nga, puro “drawing na lang ba tayo!
Ang masama pa nito, ‘yung mga kulang sa pansin, o KSP ay nagpupumilit maglunsad ng mga kilos protesta, hindi para gunitain ang ating kalayaan, kundi para tayo’y pag-awaywayin para lang malihis sa tunay na mga isyu.
Nakakaloko, pero sa araw nito gaganapin ang mga kilos-protesta laban kay P. Noy na siya mismong naglakas loob na buwagin ang PDAF scam.
Siya pa mismo ngayon ang tinutusta ng ilan nating mga kababayan para lang malihis ang tunay na isyu kung sino nga ba ang mga may kasalanan sa walang humpay na pandarambong sa kaban ng bayan.
Sabi nga, bulsa rito, bulsa doon!
Pilit din nilang dinadawit ang ilang miembro ng gaÂbinete na malapit kay P. Noy para palabasin na Malacanang pa ang may kasalanan ng lahat. Ano ba ‘yan, Ateng Gloria?
Noong isang araw aksidente kong nakita si Agriculture Secretary Procy Alcala na buti na lang at nakipagbalitaan kahit parang turumpo sa kaniyang trabaho.
Ika nga, trabaho rito, trabaho doon!
Bigla niyang naitanong kung bakit si P. Noy kasama na rin siya at ilang mga miembro ng gabinete ang kinukutsa at pilit na pinagbibitiw sila sa tungkulin gayong ang kasalukuyang pamahalaan na ang naglakas loob para baguhin ang mga kamalian sa ating gobyerrno.
Ang sagot ko naman sa kaniya,†Kayo na rin ang makakalutas sa ‘inyong problema at hinaing. Pakita n’yo na hindi lang ‘drawing’ ang mga ginagagawa sa ating gobyerno at ang madlang people mismo ang magtatanggol sa inyo.â€
Pero ‘dun sa mga epal na dumudrawing lang at pilit na nililigaw tayo kahit na sabi ni P. Noy ay nasa “ daang matuwid†na tayo. Sana madapa agad kayong mga kamote nang mabuko na bago kami ang tuluy-tuloy n’yong mabukulan.
Mga buwisit!