BUKAS ay simula na ng klase sa pampublikong paaralan. Dadagsa muli ang mga mag-aaral sa eleÂmentarya at high school. Sa isang linggo, dadagsa naman ang mga estudyante sa kolehiyo.
At sa pagdagsa ng mga estudyante, dadagsa rin naman ang drug pushers. Mag-aabang na sila ng mahihikayat tumikim ng illegal na droga. Kapag nagtagumpay sila, maraming kabataan ang masisira ang buhay at maliligaw ng landas. Kaya nararapat paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa illegal na droga lalo pa ang shabu.
Laganap na ang illegal drugs. Sa halip na mabaÂwasan, lalo pang dumarami at kumakalat. Marami ang nagtatanong na hindi kaya ang mga nakukum-piskang illegal drugs ng mga awtoridad ay ibinabalik sa kalye? Sa halip na tunawin ang shabu, ire-repak uli at saka ibebentang parang kendi. Posible ito sapagkat nakapagtataka na laging press release ng mga awtoridad na walang patid ang kanilang pagsalakay sa shabu laboratories at drug den kaya “pilay†na umano ang sindikato ng droga sa bansa. Kung “pilay†na bakit marami pa ring suplay ng shabu at kahit sa liblib na lugar ay nakararating at ginagawang halimaw ang mga kabataan.
Noong nakaraang linggo, isang amang adik sa shabu ang walang awang pumatay sa kanyang anak na babae. Pagkatapos patayin ang anak, kinunan ng picture at ginawang profile photo ng kanyang Facebook account. Karumal-dumal ang krimen na nagawa dahil sa pagkalulong sa droga.
Nakababahala rin naman ang bagong gimik ngayon ng drug pushers para makaakit ng paruk-yano. Nag-o-offer sila ng “free taste†sa tinda nilang droga. Kapag natikman umano ang kanilang droga, hahanap-hanapin na ito at doon na magsisimula ang pagkasugapa. Patitikimin lang muna sa una at sa huli ay may bayad na.
Target ng drug pushers ang mga nagbabalik na estudyante kaya inaasahang magiging abala sila ngayong opening na ng klase.
Pakilusin ng PNP ang kanilang mga tauhan para mabantayan ang mga estudyante at nang hindi na maalok ng “libreng tikim†ng shabu. Dakmain ang mga “salot†at huwag hayaang masira ang kanilang kinabukasan!