Ang ating Saligang Batas at ang Labor Code ay nag-uutos na ang mga manggagawang Pilipino ay hindi dapat tinatanggal sa trabaho na walang sapat na dahilan o “just or authorized causesâ€. Ang tawag dito sa Ingles ay security of tenure. Ang mga just causes ay: 1) serious misconduct; 2) gross and habitual neglect of duties; 3) wilful disobedience; and 4) attempt on the life of the employer. Ang mga authorized causes naman ay: 1) retrenchment to prevent losses; 2) installation of labor saving devices; 3) redundancy and 4) total cessation of business operations.
Ngunit ang security of tenure ng mga manggagawang Pilipino ay binabalewala ng karamihan ng mga employer sa ating bansa dahil sa pagti-terminate nila ng kanilang mga manggagawa nang walang pakundangan.
Halimbawa, diyan sa malls ng SM, Robinson’s, Ayala, Gaisano, Ali Mall, Star Mall at marami pa, parang mga manok na pinagtitigpas ang ulo ng mga kawawang kapwa nating manggagawa sa pamamagitan ng End of Contract (Endo) na ipinaiiral ng mga hari ng contractualization na sina Sy, Gokongwei, Lucio Tan, Gaisano, Villar, Ayala, Araneta at iba pa. Pinapapirma ng mga galamay ng mga nasabing hari ang kanilang mga manggagawa na sila ay maaaring i-terminate matapos ang limang buwan. Ito ay maliwanag na pandudura sa ating Saligang Batas at ng Labor Code.
Isinasaad sa Labor Code: “When the kind of work that the worker performs is necessary and desirable to the main line of business of the employer, the worker should be considered as regular and permanentâ€.
Ano ba ang negosyo ng mga malls kundi sales? Samakatuwid, ang trabaho ng mga sales people ay necessary and desirable to the business of the malls at dapat ang turing sa kanila ay regular and permanent hindi ‘yung tinatanggal matapos ang limang buwan. Panahon na para manindigan ang mga manggagawang Pilipino.