ANO ang napala ng taumbayan sa mga senador, kongresista at iba pa na sa campaign period ay akala natin kung sinong mga santo at santa. Lumalabas ngayon, dahil sa mga expose ni Ben Hur Luy, na karamihan pala sa kanila ay mga kawatan.
Kaya pala walang pakundangan kung makagastos ang mga nasabing opisyal sa tri-media, posters, kasama na ang pamimili ng boto ay dahil pwede naman nilang bawiin ang kanilang milyun-milyong nagasta na may malaking tubo pa dahil daan-daang milyun naman pala ang pinapala nilang salapi mula sa kaban ng bayan. Mga salapi na dapat ay napupunta pa sana sa pagpapagawa ng mga imprastraktura para lumikha ng milyun-milyong trabaho. Kaya dahil sa malawakang pangungurakot, 13 million na ang ating jobless, 20 million ang under-employed at 10 million ay naka-exile bilang OFWs.
Kaya sa susunod na halalan, huwag nating iboto ang mga corrupt. Kayong mga jobless, under-employed at OFWs, huwag kayong magpapadala sa mga pambobola ng mga politiko. Suriin ang mga motibo nila lalo na yung kung gumastos ay parang galit sa pera. Kung may mga kandidato diyan na kilalang may integridad na kapani-paniwala ang plataporma pero katamtaman lang kung gumastos, sila ang iboto nyo sabay ang dasal na sana ay huwag nilang ibulsa ang mga pera ng bayan na dapat ginagasta para lumikha ng milyun-milyong trabaho.
Pangmatagalang kapakanan ng sarili at ng bayan ang dapat isipin, hindi yung pansamantalang kaligayahan na naidudulot ng isang libo o mahigit pa na halaga ng inyong bawat boto na pinagbili n’yo. Panahon na ang maghiÂmagÂsikan sa pamamagitan ng halalan, panahon na ng rebolusyon sa pamamagitan ng eleksyon. Patalsikin ang mga kaÂwaÂtan at iluklok ang mga maÂtiÂtino nang sa gayon ay maÂwakasan na ang joblessness, under-employment at ang pagkawatak-watak ng mga Pilipino sa ibayong dagat.