AKO ay sumusuporta sa mga adhikain ng mahal na Presidente Noynoy Aquino. Naniniwala ako na siya ay isang matuwid at mapagkakatiwalaang lider. Ngunit nababahala ako sa nangyayari ngayon na may mga miyembro ng kanyang Gabinete na nasasangkot sa pandarambong (plunder).
Para mapangalagaan ng Presidente ang kapakanan ng bayan at kanyang magandang pangalan, personal niyang imbestigahan ang mga miyembro ng kanyang Gabinete at kung may probable cause laban sa kanila, pagtatagpasin ang mga ito. Hindi lamang ang mga corrupt ang tagpasin niya, pati na rin ‘yung mga incompetent tulad ng namumuno ngayon sa NAIA na nabansagang worst airport in the world. May dalawang taon pa ang Presidente na ilagay sa ayos ang kanyang panguluhan at kung hindi ay mababansagan pa itong “Ang Dating Daang Matuwidâ€.
Masusi kong pinag-iisipan ang sinabi kamakailan ni P-Noy. Sabi niya, pag-aaralan daw mabuti ng taumbayan kung sino sa mga naghahangad na maging Presidente sa 2016 ang karapat-dapat na pumalit sa kanya para maipagpatuloy ang mga magagandang programang sinimulan na niya.
Pinag-iisipan ko si Vice President Jojo Binay na nagÂsabi na ibig niyang maging Presidente sa 2016. Ang taÂnong ko sa aking sarili, kaya ba ni Jojo humarap sa samÂbayanang Pilipino at magsabing “kung walang corrupt, walang mahirap?†Tiyak hindi na siya mahirap dahil sobrang yaman na niya. Pero hindi ba siya corrupt? Si Mar Roxas naman, sabihin nang hindi siya corrupt, pero competent ba siya? Ipinamalas niya ang gross incompetence sa Yolanda crisis. Kaya ba niyang harapin at hanapan ng lunas ang krisis na nagpapahirap sa Pilipino tulad ng joblessness na umabot na ng 13 million, underemployment na 20 million at ang pagkawatak-watak ng 10 million families dahil sa overseas employment na karamihan sa kanila ay mga haligi ng tahanan?