NORMAL na naman ang bilateral relations ng Pilipinas at ng Hong Kong. Bilang representante ng OFW and Family Sector ako ay tauspusong nagpapasalamat kay dating Presidente na ngayon ay Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada. May kasabihan na ang pinaka-chief architect ng foreign policy ng isang bansa ay ang Presidente mismo. Maliwanag na hindi pa rin nakakalimutan ni Erap ang Philippine foreign policy (PFP) bagamat hindi na siya Presidente. Ang ating PFP ay binubuo ng mga sumusunod: 1. Protection of OFWs; 2. Furtherance of national security; 3. Economic diplomacy.
Dalawang components ng ating PFP ang ipinairal ni Erap nang pinangunahan niya ang pakikipag-ayos sa Hong Kong, ito ay “protection to OFWs†at “economic diplomacyâ€. Tumpak ang ginawa ni Erap. Hindi natin mapoprotektahan nang husto ang OFWs sa Hong Kong kung hindi maganda ang relasyon ng ating bansa sa Hong Kong. Kaya sa ginawa ni Erap, makakaasa tayo na mayroon na namang isang umbrella of protection ang ating OFWs sa Hongkong. Sa economic diplomacy namanÂ, ang Hong Kong bagamat isang autonomous region lamang ng China, ay isang economic giant kung bilateral trade ang pinag-uusapan.
Matagal nang trading partner ng Pilipinas ang Hong Kong magmula pa noong kapanahunan ni Heneral Emilio Aguinaldo. We cannot afford a boycott by Hong Kong of Philippine made products and services. Kaya malaking bagay ang ginawa ni Erap. Kung kapakanan ng bayan ang pinag-uusapan hindi parochial ang pag-iisip ni Erap. Hindi lamang Maynila ang nasa isip niya kundi ang buong bansa. Well after all may kasabihan,†once a President, always a President.
Mabuhay si Erap.