HINDI biro ang pauuga ng promoter ng Rueda Idol 2014 - 6 cock derby dahil P3 million ang premyo nito with matching one brandnew Toyota Innova at ang kauna-unahang 3 cock elimination nito ay sa Victoria cockpit arena sa May 16, 2014, alas 6pm.
Sabi ni Ka Biyong Garing, promoter, P5,500 ang pot money at P5,500 minimum bet.
Ayon kay Ka Biyong, oras na nakakuha ng score ang mga sumaling panabong sa derby nito sa Victoria cockpit arena at nakakuha ng score na 3 or 2.5 kuwalipikado na itong makasali sa finals sa Mayo 29 sa Pasig Square Garden at wala ng pot money.
Ika nga, sali na kayo sa 6 cock derby sa Pasig Square Garden.
Ano pa ang hinihintay ninyo sali na!
CommitÂment order para sa mga salarin
SA Taguig City Jail babagsak ang dalawang akusado na bumugbog kay actor/tv host Vhong Navarro dahil ang iba pang mga kasamahan nito ay huhulihin pa lang para magsama - sama sila sa kalaboso.
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiyak na natutuwa sa galak si Vhong sa pangyayari dahil ‘no bail’ ang rekomendasyon ng RTC Taguig City Judge Paz Esperanza Cortez kina Cedric Lee, Simeon Palma Raz, ang dalawang ito ay nahaharap sa kasong serious illegal detention na ginawa sa actor.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pangyayaring ito sino kaya ang magiging ka kosa nina Lee at Raz sa karsel?
Magpapatatak kaya sila?
Ika nga, sigue-sigue sputnik, sigue-sigue commando, batang city jail, oxo echetera. Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakapa at natimbog ng NBI sina Lee at Raz sa isang place sa Oras, Eastern Samar last Saturday na pakuya-kuyakoy dito ikinulong muna sila sa NBI detention facility sa Taft Avenue matapos silang mabubog este mali matimbog pala.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sumabit sa kasong serious illegal detention ang mga bumugbog kay Vhong kaya hayun wanted pa sina Deniece koneho este mali Cornejo pala, Jed Fernandez at Ferdinand Guerreo habang hindi pa nahuhuli samantala himas rehas sina Cedric at Raz.
Abangan.
Ana, jueteng queen sa Lipa, Batangas
WALANG kadala-dala itong si Anna ang jueteng queen sa Lipa, Batangas na anak ni Roger ‘duling’ dahil hinuli na ang kanyang operasyon doon.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nagiinit ang puwit ng mga arresting officers ay muli na naman nagbukas ng kanyang pa jueteng si Anna at natatawa pa ito sa mga humuli sa kanya.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinusulsulan ng isang alyas Ryan, nagpapakilalang medya-mediahan na ‘pera’ lamang ang kailangan ng mga humuli kay Anna kaya nagpakilala at hinuli ito.
Isang alyas Toper ang kausap ni Ryan sa panibagong ‘intelihensiya’ para ibigay sa mga bugok na foolish cops sa balwarte ni Anna.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, minamanmanan ng mga arresting team si Anna sa kanyang lungga at anu man oras mula ngayon ay muli itong sasalakayin.
Dumarami ang dayaan bolahan sa probinsiya ni Governor Vilma Santos sa hindi malaman dahilan pati mga bugok na mga opisyal dito ay naka-patung sa jueteng partikular sa lugar ng Lipa, Taal, Lemery Rosario at Tanauan.
Abangan