SUMASAMPALATAYA tayo sa Banal na Awa ni Hesus, nang sa gayo’y magkakaroon tayo ng buhay sa pamamagitan Niya. Ito ang Linggo ng Divine Mercy na itinalaga ng Congregation for Divine Mercy Worship decreed noong Mayo 23, 2000. Ipinahayag ito ni dating Papa John Paul II na ngayon ay itatalaga ng simbahan sa Vatican bilang bagong santo. Itatalaga ring santo si Pope John XXIII. Samantala, si St. Faustina Kowalska ay itinalagang santa ni Pope John Paul II noong April 30, 2000.
Ayon sa Gawa ng mga Apostol ay itinuro nila sa atin ang pagsasama-sama bilang magkakapatid sa paghahati ng tinapay at pananalangin, Maging si Pedro ay nagpahayag din sa atin ng laki ng habag sa atin ni Hesus. Kaya tayo ay sinilang sa isang panibagong buhay na nagbibigay sa atin nang malaking pag-asa na ating nakakamtan na walang ka-pintasan, hindi masisira at hindi kukupas magpakailanman.
Ang ating pagkakaisa sa pananampalataya ng Mu-ling Pagkabuhay ni Hesus ang sandigan nating mga Kristiyano sa buong daigdig. Mas mapalad tayo kaysa kay Tomas na hindi maniwala sa Muling Pagkabuhay ni Hesus hanggat hindi niya nakikita ang butas ng mga pako sa mga kamay ng Panginoon at maipasok ang kanyang mga daliri. Sabi ni Hesus: “Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila Ako nakitaâ€. Tayo ba mga kapatid ay kabilang sa mga sinasabi ni Hesus?
Bukod sa ikalawang linggo ng Muing pagkabuhay ni Hesus na tinatawag nating Divine Mercy Sunday ay guni-tain din natin at ipagdiwang ang Mayo 1 na Kapistahan ni San Jose, asawa ni Maria at ama ni Hesus na isang karpintero. Iniugnay natin ito sa pandaigdigang Labor Day.
Gawa 2:42-47; Salmo 117; 1Pedro 1:3-9 at Juan 20:19-31