‘LASING LANG AKO…’ kadalasang dahilan ng mga taong hindi marunong magdala ng sobrang nainom at nasangkot sa gulo dahil ‘di magpa-awat.
“Anak saksakin mo ang may silver na kwintas,†utos umano ng nagmamaneho ng motorsiklo sa nakaangkas na anak.
Lumapit ang huli sa tinutukoy ng ama sabay tarak ng kutsilyo sa dibdib. Dalawang saksak sabay sakay sa motorsiklo at agad nang lumayo sa pinangyarihan ng krimen.
Ganito ang kwento ng mga kasamahan ng kapatid ni Oliver Buemia, 35 taong gulang, taga Tatalon, Quezon City sa pagkamatay ng kapatid na si Joshua, 20 taong gulang nang mangyari ang insidente.
Nobyembre 1, 2008 nang dumayo si Joshua sa may kaarawang pamangkin kasama ang ilan pang pinsan at bayaw.
Matapos makipagsaya ay dumaan sila sa isang inuman sa may E. Rodriguez. Papauwi na ang grupo nang ika-2 ng Nobyembre, nadaanan nila ang Sawali Bar and Restaurant na pagmamay-ari ni Antonio Lopez Sr. Nauna na sa kanila ang lima pang kasama.
Nasagi umano ni Melencio Vinas ang anak ni Antonio na si Mark o Edoy.
“Humingi ng paumanhin si Melencio kay Mark pero agad na daw itong nanuntok,†pahayag ni Oliver.
Nakita na lang umano ng grupo na papalabas ng bar si Antonio na may hawak na mono block chair at pinalo ang isa nilang kasamahan na si Meldrin.
Nagsimula na ang rambol sa pagitan ng grupo ni Melencio at ni Antonio Sr. Si Joshua na bahagyang nauna sa paglalakad ang umawat.
Nang mahinto ang komosyon, sina Joshua, Michael, Melencio at Meldrin ay nagpatuloy na sa paglalakad papuntang terminal ng traysikel.
“Bumalik ang mag-ama at dun na sinaksak ang kapatid ko,†wika ni Oliver.
Nagsampa ng kasong ‘Murder’ si Oliver laban sa mag-ama.
Ayon sa salaysay ng testigong si Michael Bilan, pagdating sa terminal ng traysikel habang nakatayo sila ni Joshua ay nakita niya itong si Edoy at ang kanyang tatay na nakasakay sa motorsiklo.
“Lumapit po sila sa amin sabay sabing ‘Anak saksakin mo yung may kwintas na silver,†salaysay ni Michael.
Sinaksak ni Edoy si Joshua. Isang dipa lamang ang layo niya. “Nakaramdam ako ng takot kaya umatras ako at nakita ko si Joshua na tumakbo papalayo habang hawak ang kanyang kaliwang dibdib,†ayon kay Michael.
Sinundan niya si Joshua at nakita niyang nakahandusay ito sa kalsada at duguan. Humabol din sa kanila si Melencio kaya’t nagtulungan ang dalawa na buhatin si Joshua.
“Isinakay namin siya sa patrol ng barangay at dinala sa Orthopedic Hospital. Habang nasa ospital kami ilang oras lang namatay na si Joshua,†kwento ni Michael.
Bago pa man daw nila buhatin itong si Joshua ay nakita niyang papalayo ang mag-ama hawak ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.
Sa kontra-salaysay naman ni Edoy, nakita niyang naglalakad ang grupo nina Joshua habang nag-uusap ng malakas at halatang nakainom. “Nang magkrus ang landas namin binundol ako at ang kaibigan ko ni Melencio. Huminto kami at tinitigan namin siya,†salaysay ni Edoy.
Bigla na lamang umano siyang sinuntok ng isa sa kasama ng nakabunggo kaya siya gumanti. Sa pagkakataong yun nakaupo lamang ang kanyang ama sa harapan ng kanilang restaurant at naramdamang siya’y nasa isang away. Hawak ang isang mono block chair, sinabihan umano nitong tumigil ang grupo ni Joshua.
Nang humupa na ang rambulan nagpunta ang kanyang ama sa barangay upang i-report ang nangyari. Makalipas ang limang minuto bumalik ito kasama ang ilang barangay tanod. Narinig daw nila na may nagradyo sa isang tanod na may saksakang naganap sa Tuayan St.
Ang testigo din umano ng kampo ni Oliver ay kapwa kamag-anak nila. Ayon din sa kanya, ang pakikipag-away sa siyam na katao ay isang pagpapakamatay.
Tanong din ni Edoy, bakit daw huli ng nagbigay ng salaysay ang mga testigo. Nang hindi umano makita ang tunay na salarin ay sila ang sinampahan ng kaso.
Depensa naman ni Oliver sa pahayag ni Edoy. “Sa ospital pa lang kinuhanan na ng salaysay si Michael. Huli lang naÂming nai-file dahil dinala ko pa sa probinsiya ang bangkay ng kapatid ko,†sabi ni Oliver.
Makalipas ang ilang pagdinig, noong Oktubre 19, 2003 nagÂlabas ng resolusyon si Asst. City Prosecutor Solivan Usman. Ang positibong pagkilala sa mga akusado ang mas nakapananaig. Ang pagkakarinig ni Michael sa iniutos ni Antonio na saksakin ang may kwintas na silver ay sapat na upang makitaan ng ‘probable cause’ ang kaso.
Hindi kilala ng magkabilang panig ang isa’t-isa at wala silang nakaraang alitan, ang insidente ay udyok ng pagkakataon (spur of the moment) sa parte ng mga akusado. Ang kaso ay Homicide at hindi Murder.
Ika-13 ng Nobyembre 2009 nang maglabas ng Warrant of Arrest laban sa mga akusado. Apatnapung libong piso ang nakatakdang piyansa sa bawat isa. Nag-file sila ng Omnibus Motion ngunit denied ito.
“Nakikita ko pa ang mga yan na pagala-gala pero hindi naman nahuhuli. Dalawa kasi anak niyang pulis,†pahayag ni Oliver.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Oliver.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, natapos na ang rambulan sa pagitan ng dalawang grupo. Bahagya na ring nakalayo ang grupo nina Joshua ngunit hinabol pa umano ng mag-ama para saksakin.
Para sa pamilya ng biktima dapat ‘Murder’ ang kaso at hindi ibinaba sa Homicide.
Subalit sa pagtitimbang ng taga-usig nagkaroon ng rambulan ang dalawang panig at bagamat papalayo na ang biktima hindi nakitaan ng ‘Treachery’ dahil ang tama ng saksak ay sa dibdib at maaring nagkaroon ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili.
Tungkol naman sa pagsuko ng mga pulis na anak sa kanilang ama, napakahirap sa isang tao na isuko ang sinumang miyembro ng kanilang pamilya lalo na kung ito ay ang iyong ama.
(Kinalap ni Chen Sarigumba)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038