ANG tonsillitis ay isang sakit kung saan namamaga ang tonsils ng isang tao. Kadalasan ay may kasamang lagnat, panghihina ng katawan at sipon.
Madalas magkaroon ng tonsillitis ang mga tao. Minsan ay tatlong beses bawat taon. Simple lang ang paggamot dito. Ito ay ang pag-inom agad ng antibiotics tulad ng Amoxycillin capsules sa loob ng pitong araw.
Kapag hindi naagapan ang tonsillitis, puwede itong magdulot ng rheumatic heart disease, kung saan nasisira ang balbula (heart valves) ng puso at puwedeng umabot sa operasyon. Ang amoxicillin ay puwedeng gamot para sa pigsa at tonsillitis.
May bagong labas na gamot na mas malakas pa sa amoxicillin. Ito ay ang Amoclav na may component na (1) Amoxicillin, at (2) clavulanic acid. Dahil sa pagdagdag ng clavulanic acid, pinalakas nito ang bisa ng Amoxicillin.
Kung baga sa mag-asawa, kung dati ay isa lang ang kumakayod, ngayon ay dalawa na ang nagtatrabaho. Mas malakas ang bisa.
Para itong super-antibiotic, kung saan ang Amoxicillin at Clavulanic acid ay nagsasanib ng puwersa para patayin ang mga bacteria na nagdadala ng sakit.
Dahil dito, binibigay ito ng mga dalubhasang doctor para sa napakaraming impeksyon tulad ng:
Pulmonya
Sinusitis at tonsillitis
Skin infection
Urinary tract infections
Gastrointestinal tract infection
At marami pang iba.
Ang gamot na ito ay binibigay 2 beses maghapon, at iniinom ng 5-7 araw, depende sa sakit.
Tandaan: Kapag hindi na makuha sa Amoxicillin ang sakit, subukan and next-in-line na antibiotic, ang AmoxiÂcillin plus clavulanic acid.