MAG-AAPAT na taon na ang termino ni Pangulong Noy Aquino pero wala pa ring nagagawa ang gobyerno partikular sa Department of Transportation and Communications. Wala pa ring nasisimulan, walang natatapos. Ang mga airport at mass transport, magulo at walang katiyakan.
Ang tanging tiyak lang ng taumbayan sa ngayon, walang matatapos ang kasalukuyang administrasyon. Bababa si P-Noy nang walang maipagmamalaki. Ang siste, sa bawat proyekto, laging nagkakaroon ng problema sa bidding. Maraming pumipreno dahil humihingi ng “SOP†o “lagay.â€
Ang tawag ng BITAG dito ay “asshole.†Nandyan sila sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno. Kung saan nandun ang pera, nandun din sila. Mga angkas-sakay-sawsaw na bubutas sa mga bulsa ng mga pribadong kumpanya Kung hindi magbibigay, doon nagsisimula ang problema.
Hindi lang mismong mga tao ang apektado dito kundi lalo na ang sektor ng turismo.
Noong umupo si P-Noy, nagbuo siya ng Public-Private Partnership program o PPP.
Ito ang flagship ng kaniyang administrasyon. Ito ‘yung pagpasok ng mga pribadong kumpanya sa mga proyekto ng gobyerno para mapabilis ang mga konstruksyon ng imprastruktura.
Subalit dahil may mga pumipreno, walang natatapos ang pamahalaan. Tingnan ninyo na lang ang mga proyektong panghimpapawid, panlupa at pandagat, magulo at nagkakawindang-windang.
Ang matagal ng isinusulong na single-ticketing system para sa MRT at LRT, hindi pa rin nasisimulan. Ang mga bagon, hindi pa nadadagdagan. Wala pa ring nasisimulan sa mga daan at expressway lalo na sa mga paliparan.
Laging sinasabi ng DOTC, tiis-tiis nalang muna ang publiko. Hintayin nalang daw ang 2016 sa nasabing mga proyekto. Sa ganitong sistema, mas tumatatak tuloy sa publiko ang ugaling “Teka-teka†ng buong administrasyon kaysa sa mga “magagandang†proyektong isinusulong.
Ugaliing manood at makinig ng BITAG Live araw-araw tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.