KAPAG Embahador ng ibang bansa ang negreklamo ng iregularidad sa sinumang opisyal ng pamahalaan, ito na marahil ang pinakamataas na kahihiyan hindi lang ng pamahalaan kundi ng lahat ng Pilipino.
At mas lalong lumalabas na kahiya-hiya ang ating PaÂngulo na ang nangungunang adbokasya ay pagsugpo sa korapsyon. Sinuman ang mapapatunayang nagkasala rito ay hindi lamang dapat sibakin kundi pag-usigin, idemanda hanggang mabulok sa kulungan.
Sa China, ang mga opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa mga anomalya ay hinahatulan ng bitay. Kahit na pinakamataas ka pang pinuno ay hindi ka patatawarin. Masuwerte ang mga tiwaling opisyal dito sa atin dahil wala tayong bitay. Madalas pa nga silang makalusot sa mga graft cases.
Ang anomalya ay may kinalaman sa pagbili ng MRT coaches na ang mismong nagbunyag ay si Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar. Aniya, isang Wilson Devera ang umano’y tumayong emisaryo ni MRT General Manager Al Vitangcol sa tangkang pangingikil sa Czech company na Inekon Group para makuha ang kontrata sa MRT project.
Ilang araw na rin nang sumulpot ang kasong ito pero wala pa sa Department of Justice (DOJ) ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa sinasabing anomalya. Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, kahit tapos na sa pagsiÂsiyasat ang NBI-Fact Finding Team, isinasalang pa umano ang resulta sa review ng NBI Legal Division.
Kapag natapos sa Legal Division ay idadaan naman ang report kay NBI Director Virgilio Mendez, bago isumite sa kalihim.
Sana naman ay bilis-bilisan ang proseso para hindi masira ang tiwala at respeto ng taumbayan sa pamahalaan. Lubha nang talamak ang mga katiwalian na ang mga nasasangkot ay mataas na opisyales ng pamahalaan.
Kabilang sa sinisiyaÂsat ng NBI sina Wilson de Vera at Manolo Maralit, na sinasabing middlemen ni MRT III General Manager Al Vitangcol kaugnay sa $30 milyong isyu ng pangiÂngikil na ibinunyag ng sugo ng Czechoslovakia.