GANYAN ang tingin ko sa isang anunsyo sa peryodiko ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na humihikayat sa taumbayan na magbayad ng buwis.
Insulto at sampal dahil inilarawan ang mga doktor bilang mga propesyonal na hindi nagbabayad ng buwis. Mantakin mo ang larawan ng isang doktor na pasan-pasan ng isang teacher?
Ang pahiwatig nito ay “pabigat†ang mga doktor sa ibang mamamayan na nagbabayad ng buwis. Pero ito ay height of insensitivity sa panig ng BIR na siyang may pakulo ng anunsyong ito. Rurok ito ng kawalang pakundangan sa mga matitinong doktor.
Siguro nga ay may mga doktor na nakakaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis porke hindi nag-iisyu ng resibo. Pero ang lagay ba ay idadamay pati yung mga matitino?
Huwag nating kalimutan ang halaga ng mga medical practitioners na nangangalaga sa kalusugan ng taumbayan.
Matigas naman si BIR Chief Kim Henares sa pagsasabing hindi siya dapat mag-sorry sa mga doktor sa pangyayari.
Kung mga taong “pabigat†ang pag-uusapan, may mangunguna pa kaya sa mga kurakot sa gobyerno kagaya nung mga nasasangkot sa pork barrel scam?
Natural na sumama ang loob ng mga doktor. Binati-kos ng Philippine Medical Association (PMA) ang nasabing tax campaign advertisement na lumabas sa mga pahayagan noong Linggo ng umaga. Sino naman ang doktor na matutuwa?
Kung maglabas naman kaya ng anunsyo na nagpapakita sa mga kagawad ng BIR na nandodoktor ng mga buwis na dapat bayaran ng mga mayayaman kapalit ng halaga, matutuwa kaya si Henares? Sa lahat ng sulok may itlog na bugok pero huwag lalahatin in fairness dun sa mga matitino.