SA tingin ni Moro National Liberation Front (MNLF) spokesman Absalom Cerveza ay walang effort ang ating mga otoridad na hanapin si MNLF founding chairman Nur Misuari pagkatapos nitong naakusahang pinamunuan ang Zamboanga City siege noong nagdaang September.
Sinampahan si Misuari at ilan sa kanyang mga followers ng charges of rebellion and violation of Republic Act 9851 (Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity) sa Zamboanga City RTC noong Oct. 7.
Nagpalabas na ng warrant of arrest ang RTC ng Zamboanga laban kay Misuari at sa mga kasamahan nito at walang bail bond recommended para sa kaso nila.
Ngunit iba ang pananaw si Cerveza na umaming narito lang sa bansa si Misuari. Ayon kay Cerveza hindi naman talaga hinahanap ng mga otoridad si Misuari.
Kung tutuusin daw, madaling mahanap si Misuari kung tototohanin ng mga otoridad ang paghahanap sa kanya.
Ngunit medyo may kahirapan nga naman din kasi may apat hanggang anim na layers ng security bago makaÂrating sa kinaroroonan ni Misuari.
Bantay-sarado raw ng mga armadong tauhan nito ang pinuno ng MNLF ngunit ito ay nakakalabas din ng bansa sa pamamagitan ng karagatan sa silangang bahagi ng Mindanao.
Nais ng MNLF na mapawalambisa na ang arrest warrant laban kay Misuari dahil nga raw wala namang ebidensiya na magdidiin sa kanya na siya nga ang pasimuno ng Zamboanga siege na ikinamatay ng halos 100 katao kasali na ang mga MNLF members at mga sundalo.
Ang tanong ay bakit hindi nga madakip-dakip si MisuariÂ? Bakit nga ba?