KUNG ang ating foreign policy ay sinunod lamang ng Department of Foreign Affairs (DFA) hindi na sana humantong sa sitwasyon na ang Hong Kong ay payabang na inuutusan ang Presidente ng Pilipinas na humingi ng sorry kaugnay sa pagkamatay ng walong turista sa Luneta noong Agosto 2010 na isinagawa ng naghuramentadong pulis.
Ang foreign policy ng Pilipinas, ayon sa Foreign Service Act, ay binubuo ng tatlong programa: 1. Protection of Filipinos overseas; 2. Economic diplomacy; at 3. Furtherance of national security. Dahil sa mga programang protection to Filipinos overseas at economic diplomacy, dapat noon pa, nag-apologize na tayo sa Hong Kong. Hindi natin mapangangalagaan nang husto ang kapakanan nang mahigit 100,000 OFWs doon kung hindi maganda ang ating bilateral relations sa Hong Kong kahit na ba ito ay hindi bansa kundi isang bulilit na teritoryo ng China.
Maliban sa kapakanan ng OFWs, dapat isinaalang-alang din ng DFA na ang Hong Kong ay kinikilala sa buong mundo na isang shopping capital of Asia. Ito ay isang malaking market ng mga produktong gawa sa Pilipinas. Kaya dapat na hindi nasisira ang ating relasyon sa bulilit na lugar na ito if the DFA still knows what economic diplomacy is all about.
Alam ko ang pinupuntos ng DFA. Hindi daw dapat basta-basta nag-a-apologize ang isang sovereign country like the Philippines sa kahit anong bansa lalo sa Hong Kong na hindi naman bansa. Sapat na raw ang expression of “regretsâ€. Mali! Dapat kiniliti natin ang kayabangan na mga lider ng Hong Kong for the sake of our OFWs and our bilateral trade. Wala namang mawawala sa atin. Lalabas na magnanimous pa tayo dahil pinagbigyan natin ang kahilingan ng bulilit na lugar.