“NAWALAN kasi ng giya.†‘Yan ang karaniwang palusot ng reckless drivers sa malalang aksidente sa kalye. Kesyo raw na-loose control ang manibela, kaya hindi nila naiwasang banggain ang ibang sasakyan o araruhin ang mga tao na nakatayo sa bangketa. At bobo naman ang mga pulis at traffic aides na kumakagat sa gan’ung baluktot na katuwiran.
Pabayang tsuper lang ang nawawalan ng giya. Sa batas ng pagmamaneho, inaatasan ang lisensiyadong tsuper na palaging i-check ang mga gulong, preno, ilaw, side mirrors, at windshield wipers bago pa man i-start ang makina. Dapat itong gawin hindi lang sa unang paggamit sa sasakyan sa araw na iyon, kundi tuwing magmamaneho. Kasama ‘yon sa theoretical part ng eksamen sa paglilisensiya.
Maraming dahilan kaya nawawalan ng giya ang reckless driver. Una, masyado siyang matulin, lalo na sa kurbada. O kaya, hindi siya alisto kaya nabigla sa kung anong sitwasyon sa kalye. Maari rin dahil mabagal ang reaksiyon kaya hindi agad nakapag-preno. Maari ring nagpreno nga pero may diperensiya ang brakes (huli na nang malaman dahil hindi nag-check bago mag-start). Maari ring dahil kalbo na ang mga gulong, upod na ang thread, kaya mahina na ang kapit sa semento o aspalto. Lalong delikado ang matulin, kalbong gulong, at depektibong preno kapag umuulan, dahil nagha-hydroplaning ang sasakyan -- tumatakbo sa tubig nang hindi kapit nang husto ang gulong sa kalsada.
Itinuturo ang mga ito sa high school physics, driving school, at mga libro sa pagmamaneho. Kapag hindi ito alam ng tsuper, mangmang siya na walang karapatang magka-lisensiya. Baka ni hindi siya marunong magbasa ng street signs o sumunod man lang sa guhit sa kalye -- dahil sa buhanginan lang sa tabing dagat nagsanay magmaneho.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com