Kung ating sasaliksikin ang mga records ng korte isang damukal na ang warrant of arrests ang pangalang Mr. Tiwala. Ang problema di mo siya mahuhuli dahil iba-iba ang kanyang anyo. Iba-iba ang kanyang kasarian at iba-iba pa rin ang kanyang storya. Wala siyang mukha, wala siyang katawan at ito’y isang pakiramdam lamang. Kung minsan tayo na pala si Mr. Tiwala kaya’t tayo rin ang dapat parusahan sa gusot na ating kinasangkutan.
“Sira na ang pangalan ko, sira na ang buhay ko. Pinagkakalat nila na ako’y HIV positive at full blown AIDS na raw ito. Ginagawa ko ay tinuturukan ko raw ang mga nakakatabi ko,†wika ni Bon.
Niloko…pinagkaisahan…ginamit. Ganito ang paniniwala ni Bonifacio “Bon†Ferrer Jr., 50 taong gulang, na ginawa sa kanya ng mag-asawang Rhyence at Cherry Anne Bermudez.
Taong 2010 nang makilala niya ang mag-asawa dahil kaibigan niya ang kapatid ni Rhyence na si Rhodge. Ilang buwan lamang ang lumipas agad siyang inalok ng negosyo ng mga ito.
“Sabi nila lending daw. Pumayag naman ako dahil may tiwala na ako sa kanila,†wika ni Bon.
Nagbigay ng PHP300,000 pang kapital si Bon kina Rhyence. Ang kasunduan, hati sila sa magiging kita at kada buwan ay magbibigay ang mag-asawa ng labinglimang libong piso kay Bon. Ang mga ito ang hina-yaan niyang mamahala dahil siya’y nagtatrabaho bilang ‘call center agent’.
“Meron naman silang naibalik. Ang kulang na lang nila ay PHP190,000. Prinsipal lang yun, hindi ko na binibilang ang mga tubo,†pahayag ni Bon.
Setyembre ng taong 2010…nagbukas sila ng ‘computer shop’ sa Sangandaan, Kalookan. Tulad ng pautangan, si Bon ang nangapital at ang mag-asawang Rhyence at Cherry Anne ang namahala. Halagang PHP700,000 ang perang inilabas niya. Tatlumpung computers umano ang binili niya para rito.
“Binalak din nilang kumuha ng bahay at lupa. Nanghiram sila ng PHP1.1M sa akin para ideposito sa kanilang account,†ayon kay Bon.
Kailangan umanong may maipakitang ‘show money’ ang mga ito para masabing may pera sila at kaya nilang magbayad buwan-buwan.
“Hindi sila naaprubahan. Pati ang pera ko hindi na nila ibinalik,†wika ni Bon.
Hindi pa rito natapos ang pakikipagsosyo at pagtulong ni Bon sa dalawa. Taong 2011 nang magtayo sila ng gun store. Kay Cherry Anne ito ipinangalan.
“Ang kabuuang perang ininvest ko sa gun store ay Php2.1M. Partial naman ang pagbibigay ko pero cash lahat yun,†kwento ni Bon.
Maliban sa pakikipagsosyo sa negosyo, humingi rin umano ng tulong sa kanya ang mag-asawa na makabili ng sasakyan.
“Nanghihiram sila ng PHP450,000 dahil may nakita raw silang Honda Jazz,†salaysay ni Bon.
Nung panahong yun may kotse si Bon na Mitsubishi Strada. “Kakailanganin namin ng mas malaking sasakyan dahil sa gun store,†sabi umano ng mag-asawa.
Hiniling ng mga ito na ang Strada na lang ang kukunin nila at ang kulang ay idadagdag sa PHP450,000 na hiniram kay Bon.
Para umano makakuha ng bagong sasakyan si Bon, humiram siya sa bangko at ipinang-collateral niya ang Strada.
“Ang nangyari yung sasakyan ko ang napunta sa kanila. Ilang buwan ang nakalipas siningil ko sila. Ang sabi ko kung di nila mababayaran ibalik na lang sa akin,†pahayag ni Bon.
Nang binabawi na ni Bon ang kotse, walang mailabas ang mag-asawa. Kailangan niya ito dahil dinemenda siya ng bangko at matapos ang paglilitis naglabas na ng ‘writ of replevin’ para mabawi ang kotse.
“May dalawa raw akong pagpipilian. Una ang ibigay sa bangko ang sasakyan at pangalawa ibenta ito at ang perang makukuha ay ibabayad sa banngko at kung may matitira akin na yun,†kwento ni Bon.
Taong 2012…natuklasan ni Bon na may tatlong kaso umano ng car napping ang mag-asawa sa Hagonoy, Malolos at Bulacan. Doon lamang tila natauhan si Bon sa mga negosasyon nila ng mag-asawa.
“May nakapagsabi sa akin na mayroon daw article tungkol sa kanila. Sa website ng Pilipino Star Ngayon ko nabasa na naaresto sila sa kasong carnapping. June 30, 2010 ang nakalagay na petsa doon,†pahayag ni Bon.
Napag-alaman din niya na umatras na ang kasosyo nina Rhyence at Cherry Anne sa gun shop kaya pinalitan na nila ito ng pangalan. Mula sa Guntech Inter arms naging Rush Hour na ito ngayon.
Nangalap ng mga ebidensiya si Bon tungkol sa mga kasong kina-kaharap ng mag-asawa. Nang malaman ito nina Rhyence at Cherry Anne nagalit ito sa kanya at sinabing, “Dudurugin ka namin kapag nakita ka namin. Sisirain mo kami? Maghanda ka, magsasama tayo sa impiyerno,†wika umano ng mag-asawa.
Ipinagkakalat din umano ng mga ito na may sakit siyang AIDS. Ang Human Immunodeficiency Virus o HIV ito ay paglumala na ay nauwi sa Acquired immunodeficiency Syndrome (AIDS).
“Gusto kong malaman ng mga tao ang mga ginagawa nila para hindi na sila makapanloko pa ng iba,†sabi ni Bon.
Sa kasalukuyan, si Bon ang hinahabol ng bangko upang mabayaran ang kanyang inutang. Nais niya ring malaman kung anong kaso ang maaari niyang isampa sa mag-asawang Bermudez. Ito ang dahilan ng kanyang paglapit sa aming tanggapan.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Bon.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung uutang sila sa bangko hindi nila kailangan ng show money. Kailangan nilang magpakita ng Income Tax Return (ITR) sa mga nakalipas na tatlong taon at Certificate of Employment para malaman ang kanilang kapasidad na magbayad.
Kailangan mong patunayan na wala sa iyo ang kotse at nandoon nga sa mag-asawa. Iisipin nilang lahat ng sinasabi mo tungkol sa kwento na may kasosyo kang mag-asawa na nanloko sa iyo ay gawa gawa mo lamang (afterthought) dahil wala naman silang personality sa transaksiyon na nangyari sa bangko.
Kung totoong ayaw nilang ibigay sa iyo ang sasakyan bakit hindi ka gumawa ng hakbang para sampahan sila ng kaso.
Ini-refer namin siya sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para mapag-aralan kung anong mga kaso ang maaari niyang ihain laban sa mag-asawa. Mula sa Collection of Sum of Money hanggang sa Carnapping, Swindling o Estafa.
Tiwala lang ba talaga ang motibo mo o ikaw ay nasilaw din sa kanilang matatamis na pangako na ang pera mo ay kikita ng limpak-limpak na salapi kaya’t hindi mo hinayaan itong mailagay sa bangko kung saan sigurado kikita ng interes? (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038