SI JOSE Rizal ang unang gumamit ng katagang “Filipino†sa modernong kahulugan nito. Bago siya, tinatawag na Filipino ang mga mestizo, na halong dugong Tsino at Kastila sa Islas Filipinas. Kay Rizal, ang Filipino ay lahing Malay.
Isinilang na mayaman si Rizal. Nu’ng paslit sa Calamba, meron siyang “yaya,†o sariling kasambahay. Pinapag-aral siya sa mga pribadong eskuwelahan, tumuntong sa unibersidad, at nagtapos sa Uropa. Kung nagkataong siya’y isinilang na mahirap tulad ng karamihan ng kababayan noon, ani Leon Maria Guerrero sa “The First Filipino,†malamang naging isa rin siyang mapang-himagsik na Bonifacio. Pero dahil lumaki sa angkang intelektuwal at burgis, iba ang kanyang pagka-makabayan. Nanaig sa kanya ang pagkontra-prayle. Tinuligsa niya ang tinaguriang “dobleng katapatan†ng Filipino sa Espanya at sa Simbahan, ulat ni Ante Radaic sa “Rizal from Within.â€
Nainspira ang Katipunan sa mga nobela ni Rizal. Pero hindi niya sinuportahan nang lantaran ang rebolusyon. Para sa kanya, kulang pa ang mga insurekto hindi lang sa armas kundi sa kaalamang kasarinlan. Ang inadhika niya, sa halip na kalayaan mula sa Espanya, ay magkaroon ng representasyon ang Filipino sa Cortes (Kongreso) sa Madrid. Dagdag dito, ang pagpapatalsik sa mga abusadong prayleng Kastila at paghalili ng mga pari na Filipino. At ang makatarungang pagbubuwis.
Kasama ang ibang Propagandista, inasam ni Rizal na mahirang ng Hari ng Espanya na kongresista sa Cortes. Nang sa Unang Sigaw sa Balintawak ay pinagbintangan si Rizal sa kaguluhan sa Maynila, tinangka ng tropa niya na itakas siya at dalhin sa Madrid para iluklok sa Cortes, at maiwasan ang pagbitay. Ano kaya kung nagtagumpay sila?
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: