DALAWAMPUNG mamamahayag na ang naitutumÂba mula nang maupo sa puwesto si President AquiÂno. At wala pang nahuhuli at napaparusahan sa mga pumatay at sa nag-utos. Tanong lang, hanggang kailan ang mga pagpatay na ito? May ginagawa ba ang pamahalaan para maprotektahan ang mga mamamahayag? Nang maupo sa puwesto si Aquino, mara-ming umasa na mapoprotektahan ang mga mamamahayag subalit kabaliktaran ang nangyari sapagkat patuloy at naging madalas ang mga pagpatay.
Noong nakaraang Nobyembre 29, binaril si Joas Dignos ng Bukidnon. Si Dignos ay komentarista ng dxGT Radyo Abante sa bayan ng Maramag, Bukidnon. Ayon sa report, nakatayo si Dignos at nag-aabang ng masasakyan nang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang tumigil sa harapan niya at pinagbabaril. Namatay agad si Dignos sa pinangyarihan ng krimen. Walang anumang nakatakas ang dalawang nakamotorsiklo. Noong nakaraang Hunyo, ang radio station na pinagtatrabahuhan ni Dignos ay hinagisan ng granada. Nangyari ang paghahagis ng granada habang nasa ere ang taped commentary ni Dignos.
Isang linggo makaraang barilin si Dignos, binaril din at napatay si Michael Milo, 34, broadcaster ng Prime Radio FM sa Tandag City, Surigao del Sur. Ayon sa reÂport, nagmomotorsiklo si Milo pauwi sa kanilang bahay noong Biyernes nang sabayan ng isang motorsiklo na may angkas na dalawang tao. Pinagbabaril si Milo. Naisugod pa sa ospital si Milo pero patay na.
Hanggang ngayon wala pang lead kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Dignos at kay Milo. BlanÂko ang pulisya sa krimen. Pinangangambahang wala ring mangyari sa kaso ng mga mamamahayag.
Ang pagpatay sa dalawa ay naganap, mahigit isang linggo makaraang gunitain ang ika-apat na taon ng Maguindanao massacre kung saan 57 tao ang pinatay at 32 rito ay mamamahayag. Hanggang ngayon, wala pa ring hustisya sa mga pinatay na ang tinuturong utak ay ang Ampatuan clan.
Ang Pilipinas ay ikatatlo sa mga bansang mapa-nganib sa mga journalist, ayon sa New York based Committee to Protect Journalists (CPJ). Mula 1992, nasa 72 mamamahayag na ang napapatay at hindi pa kasali rito sina Dignos at Milo.
Kailan magkakaroon ng malasakit ang pamahalaan sa mga mamamahayag? Bakit walang nakikitang pagpupursigi para mahuli ang mga killer at utak? Huwag patagalin ang pagbibigay ng hustisya.