AKO, at aking buong pamilya at ang OFW Family Club Party-list ay taos-pusong nakikiramay sa mga OFW na namatay at nasugatan dahil sa terrorist attack sa Defense Ministry ng Yemen noong Huwebes, Disyembre 5. Ito ay magdudulot ng lubhang pagdalamhati sa mga naulilang pamilya laluna’t magpapasko na.
Hinihiling ko kay Ambassador Ezzedin Tago sa KSA na may tangan ng Yemen na pangunahan niya mismo ang pag-aasikaso sa pag-pauwi ng mga labi. Sa mga ganitong pangyayari, ang ambassador mismo ang dapat nangu-nguna sa lahat na dapat gagawin, sa halip na ipinauubaya lamang ito sa mga labor attaché o consul.
Dapat ay kumilos siya na parang tunay na ama ng mga OFWs doon sa mga bansang kanyang kinakasakupan. Ito ay ayon sa panukalang batas na inihain ko sa Kongreso na ang mga Ambassador, ay dapat, by law, should perform as surrogate or substitute parents of OFWs in all matters involving their welfare, protection and safety. Huwag na dapat hintayin pa ni Ambassador Tago na maging batas muna ang aking pinapanukala bago siya umakto na parang tunay na ama ng mga OFW.
Ambassador, we expect you to move your ass now and proceed to Yemen. Ipinanukala ko na rin sa Kongreso sa pamamagitan ng House Bill, nabigyan ng free scho-larships at allowances ang mga anak ng mga nasirang OFWs na nangamatay while working abroad hangga’t makatapos ng kolehiyo.
Bilang naturingang Amba at Ama ng mga OFW sa KSA at Yemen, personal na makipag-ugnayan din dapat si Mr.Tago sa mga naulila ng pamilya sa Pilipinas. Sa ganang akin, inutusan ko na ang staff ko sa Kongreso na makipag-ugnayan na sa pamilya para mabisita ko at matulungan sa abot ng aking makakaya. Pero ang DFA, DOLE, at OWWA ang dapat nangunguna rito dahil sa kanilang bilyon-bilyung mga budget, di tulad natin na walang PDAF.