NAGHUHUMIYAW ang madlang people sa Philippines my Philippines na burdahin este mali burahin pala ang congressional pork barrel o ang Priority Development Assistance Fund dahil sa gulong ginawa nito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya tuloy ang mga Senador ay gumagawa rin ng hakbang para nga tanguan ang madlang people sa gusto nilang mangyari?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, perfect PR sa madlang public kung papayag silang i-surrender ang kanilang pitsa este mali PDAF pala at mas magiging mainam para sa pa-pogi nila kung itutulak nila ito hanggang sa mahulog ang P4.8 billion from 2014 national budget.
Tanong-dito lang ba dapat magtapos ang efforts ng mga Senador?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ba mas maganda na imbes burahin sa budget ay gamitin ito para makatulong sa libu-libong madlang pinoy na nasalanta ng sunud-sunod na bagyo, lindol partikular ang hagupit ng super typhoon Yolanda na halos binura sa mapa sa Philippines my Philippines ang ilang probinsya sa Kabisayaan?
Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, kung tumatanggap tayo ng tulong galing sa ibang bansa para sa madlang pinoy na nasalanta ni Yolanda, bakit hindi gawin ng Senado na i-volunteer na lamang ang kanila mga PDAF papunta sa mga biktima ng kalamidad?
‘Ano sa palagay ninyo?’
‘Tama hindi ba.’
Hanga ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga binitiwan salita at panawagan ni Sen. Alan Cayetano na buwagin ang pork barrel system. Dahil nga ang mga Senador at mga Kongresista ay may discretion o karapatang makialam sa proyektong kapupuntahan ng kanilang pondo.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, banat ni Cayetano, dapat i-abolish ang PDAF nang tuluyan at walang kondisyon, pero kunin ang P4.8 bilyon at idagdag ito sa P7.5 bilyon na Calamity Fund para sa susunod na taon.
Gusto kasi ni Cayetano na siguraduhin na walang discretion dito ang mga mambabatas para hindi mapagdudahang iniba lang ang pangalan ng PDAF.
Tama nga naman, dahil kung tatanggalin lang ito sa budget ng Philippines my Philippines, obviously walang makikinabang dito gayong napakaraming madlang pinoy ang ngayon ay sobrang nangangailangan ng tulong ng gobierno!
Tirada ni Cayetano dahil sa super bagyong si Yolanda mas malamang na magkulang ang Calamity Fund sa 2014 at napakalaking tulong ang P4.8 billion para sa mga biktima kung ito ay mailalagay sa Calamity Fund.
Ika nga, dapat magkaisa ang ating mga mambabatas na ang halagang P4.8 billion ay pwedeng magamit upang tulungan ang madlang pinoy na bumangon sa pagkakalugmok gawa ng kalamidad.
Tama na muna ang pa-pogi at pulitika. Hindi ito ang tamang oras at pagkakataon upang kumuha lamang ng “pa-pogi points†sa madlang people. Mas mahalaga ang pangangailangan ng madlang pinoy kaysa sa kagustuhan ng mga senador na magpa-pogi lang. Wag natin unahin ang mga sarili nating kapakanan. Hehehe!
Dapat, kahit tuluyan ng i-abolish ang PDAF, ilagay naman ang P4.8 billion sa ibang pangangailangan ng madlang people na hindi maaabot o walang discretion ang mga mambabatas.
Sangkatutak na mga pinoy ang atat na atat na mawala yang PDAF na yan. Pero kung susundan natin ang panawagan ng ibang senador na pati ang P4.8 bilyon na PDAF ng senado ay burahin na din at wag gamitin sa ibang bagay (tulad ng pagtulong sa mga biktima), kawawa naman ang madlang people na nangangailangan ng tulong ng pamahalaan sa panahong ito.
Maaaring ito ang gustong marinig ng madlang people na galit sa pang-aabuso ng iilan sa pork barrel, lalo na ang mga Senador na isinasangkot kay Napoles. Hindi ba mas maganda na tuluyan na itong i-abolish pero ang pera ay ilagay sa pondo na pangtulong sa mga biktima ng bagyo?
Tanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, saan mapupunta kung tatanggalin ang P4.8 billion mula sa national budget para sa 2014? Sigurado ba tayong hindi ito magagamit ng Executive Department sa kung saan nila ito gustong ilagay?
‘Dapat natin itong pag-isipan ng mabuti. Wag muna magpa pogi. Tulong muna tayo!’ Sabi ng kuwagong SPO 10 sa Crame.
Abangan.