SAPUL noong 1990, ginulantang na tayo ng mga mapaminsalang kalamidad. Sunud-sunod ang pagdating sa loob lamang ng dalawang taon mula 1990 at 1991. Dapat sana ay eksperto na tayo sa sining ng pagliligtas sa sarili o “art of survival†pero hindi.
Tingin ko lang, walang tao ang puwedeng maging handa lalo na sa mga kalamidad na hindi natin inaasaÂhang ganyan kalakas tulad ni bagyong Yolanda. Pruweba rito ang mga nangagkalat na mga patay sa lansangan na biktima ng pagkalunod matapos ang isang teribleng storm surge o pag-ahon ng tubig sa karagatan. Nauna nang ibinabala ito ng PAGASA pero hindi inakala ng mga tao na ito’y ganoon pala katindi! Akala ng iba, komo kongkreto ang bahay nila at mataas ay hindi na sila maaapektuhan ng bagyo.
Ikinagulat natin ang pangyayari na animo’y ngayon lang naranasan. Nakalimutan na ba natin yung mga higit na mapaminsalang kalamidad noong dekada nobenta na matapos mangyari ay nagbalikatan ang mga komunidad ng mga bansa para tulungang makabangon ang Pilipinas?
Paano natin malilimutan ang tatlong halimaw na kalamidad tulad ng naganap na 7.8 magnitude na lindol noong July 16, 1990 sa Luzon? Maraming nawasak na mga gusali at tahanan at napakarami rin ng mga namatay. Kasunod noon, June 1991 nang sumabog naman ang bulkang Pinatubo. Mistulang binura sa mapa ang maÂraming bayan at lungsod na tinabunan ng lahar. Libu-libo rin ang nasawi. Ang pinakamalungkot ay bumilang pa ng ilang taon bago humupa ang pag-agos ng lahar mula sa bulkan sa tuwing darating ang tag-ulan.
Akala nating mga Pinoy noon na naganap na ang pinaka-grabeng puwedeng mangyari pero hindi pala. Noong November 1991, dinalaw naman tayo ng isang super-lakas na bagyong si “Uringâ€. Napakalakas nito at nagdulot ng daluyong ng tubig at landslides sa kabundukan at kumitil din ng libu-libo sa Ormoc, Leyte.
We are facing a deadly cycle of catastrophes it seems. Dalangin ko na manatili sa atin ang tibay para harapin ang mga trahedyang ito sa patnubay at tulong ng Panginoong Diyos. My friends, let us not undermine the power of prayers and acknowledge it as a reality as it really is, and not simply a way of raising false hope in our hearts. And let us remember that a prayer of a righteous persons is effective. Righteousness is simply having faith and following God’s ordinances.
Are we ready to pray?